Cultural

World day of Vocations, itinakda sa selebrasyon ng Good Shepherd Sunday

Hinikayat ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang nasasakupan ng arkidiyosesis na patuloy na ipanalangin at hikayatin ang mga kabataan na nais magtalaga ng kanilang buhay sa panginoon at pumasok sa bokasyon ng pagpapari at madre.

Sa inilabas na circular order ng kaniyang Kabunyian, itinakda ang 55th World Day of Vocations sa ika-22 ng Abril kasabay ng Good Shepherd Sunday.

“It is a good time to gather and pray for vocations to the priesthood and the consecrated life as well as to invite and encourage the young people to consider these particular ways of following and serving the Lord in the Church,” ayon sa circular na inilabas ni Cardinal Tagle.

Hiniling din ni Cardinal Tagle na isama ng mga pari sa kanilang pagninilay ang kahalagahan ng bokasyon at makahikayat ng mga kabataan na nais na maging pastol o anumang uri ng paglilingkod sa simbahan.

“It may also be an opportune occasion for our communities to hear from their pastors vocation stories and personal testimonies that could inspire people to respond to God’s call to different forms of sercice in the Church,” ayon pa sa circular letter.

Inaanyayahan din ni Cardinal Tagle ang nasasakupan ng Archdiocese of Manila na magsagawa ng ‘special collection’ sa linggo o ang ikaapat na linggo ng Muling Pagkabuhay upang suportahan ang kampanya para sa bokasyon.

Ayon kay Cardinal Tagle, ito ay mahalagang pagdiriwang na nakapaloob sa Year of the Clergy and Consecrated Persons na kabilang sa paghahanda ng ika-500 ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Sa Pilipinas, tinatayang may higit sa 10,000 ang mga pari habang may 18,000 naman ang nabibilang na consecrated persons.