500 Years of Christianity Countdown

May 8, 2020, 2:15PM

Nananawagan ang mga lider ng Simbahang Katolika sa mga Filipino na makiisa sa nationwide “National Consecration to the Immaculate of Mary: We pray as one. We heal as one. We renew the world as one” sa ika-13 ng Mayo 2020, araw ng Miyerkules.

Isasagawa ang sabayang pagrorosaryo at Act of Consecration to the Immaculate Heart of Mary sa kapistahan ng Our Lady of Fatima at ika-103 anibersaryo ng “First Apparition of Our Lady of Fatima.

Ang simultaneous praying of rosary at Misa Konselebrada sa karangalan ng Mahal na Birhen ng Fatima ay pangungunahan ng walong (8) Arsobispo at Obispo ng Simbahang Katolika.

Preliminary prayers
Most Rev. Dennis Villarojo
Obispo ng Diocese of Malolos

1st Glorious Mystery
Bishop Broderick Pabillo
Apostolic Administrator
Archdiocese of Manila

2nd Glorious Mystery
Bishop Bartolome G. Santos Jr.
Diocese of Iba,Zambales

3rd Glorious Mystery
Archbishop Jose Palma
Archbishop of Cebu

4th Glorious Mystery
Archbishop John Du
Archdiocese of Palo, Leyte

5th Glorious Mystery
Archbishop Antonio Ledesma
Archdiocese of Cagayan de Oro

Concluding prayers
Diocese of Jose Colin Bagaforo
Diocese of Kidapawan

Act of Consecration
Archbishop Romulo G. Valles
Archdiocese of Davao

Ito ay sabayang pananalangin upang hilingin ang grasya at habag ng Panginoon na wakasan na ang COVID-19 pandemic gayundin ang intercession ni Blessed Virgin Mary para sa healing at recovery ng mga nahawaan ng sakit at ibayong lakas at proteksyon sa mga frontliners at mamamayang Filipino.

Ihahatid ito live ng Radio Veritas, Social Communications Ministry ng Diocese of Cubao at Social Communications Ministry ng Diocese of Malolos mula sa National Shrine of Our Lady of Fatima sa Valenzuela city.

Live na mapapakinggan ang simultaneous praying of rosary at National Consecration to the Immaculate Heart of Mary sa Radio Veritas846 AM band at online streaming.

Mapapanood din ito live sa FB page ng Radio Veritas, Diocese of Cubao, Diocese of Malolos, Diocese of Tagum, RCAM-AOC, Archdiocese of Cebu, Archdiocese of Cebu, Archdiocese of Cagayan de Oro, Archdiocese of Davao, Diocese of Kidapawan, Diocese of Iba, TV Maria, at sa Youtube mula alas-otso (8AM) hanggang alas-diyes (10AM) ng umaga sa ika-13 ng Mayo 2020.

Pangungunahan ni Davao Archbishop Romulo Valles, pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang Act of Consecration to the Immaculate Heart of Mary.

Ang Misa Konselebrada sa Karangalan ng Mahal na Birhen ng Fatima ay pangungunahan ni Malolos Bishop Dennis Villarojo.