Walang katumbas na salapi ang tao

Posted on Posted in Cultural

Ito ang binigyang-diin ni San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education kaugnay sa nalalapit na paggunita ng simbahang katolika sa World Day of the Poor.

Ayon kay Bishop Mallari, bawat tao ay nilikha na kawangis ng Diyos at kailanman ay hinding hindi ito matutumbasan ng anumang salapi o materyal na yaman.

“Ang halaga ng tao ay hindi nakabase sa pera. ‘Yung halaga niya ay yung katotohanan na siya ay nilalang na kawangis ng Diyos. Kaya kapag sinabi mo kung gaano kalahaga ang tao, puwede nating masabi na God offered his life, this is how valuable man is,” pahayag ni Bishop Malalari.

Sa pagdidiriwang ng Linggo para sa dukha, inihayag ng Obispo na hindi rin dapat kalimutan ang mga mahihirap na walang-awang pinatay dahil sa paggamit ng iligal na droga sapagkat lahat ng inidibwal ay pantay-pantay sa mata ng Panginoon at hindi dapat pagkaitan ng karapatang mabuhay.

“Yung hamon ni Pope Francis na abutin lahat ng mga nasa laylayan ay nanggagaling doon sa paninidigan na ang lahat ng tao ay mahalaga, na lahat ng tao ay nilalang sa wangis ng Diyos lalong lalo na itong mga biktima, drug addicts at drug pusher because everyone is consider valuable before God,” dagdag ni Bishop Mallari.

Sa huling survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS), 60 porsiyento ng mga Filipino ang naniniwala na tanging mahihirap na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot lamang ang pinapatay at hindi yaong mga mayayamang drug pushers.

Bukod sa pagtulong at pagmamalasakit, sinabi ni Bishop Mallari na tunay lamang malalaman ng bawat isa ang problema at tunay na kalagayan ng mga mahihirap kung ilalagay natin ang sarili sa kanilang sitwasyon.

Una nang idineklara ng Kanyang Kabanalan Francisco ang ika-19 araw ng Nobyembre bilang kauna-unahang paggunita ng simbahang katolika ng World Day of the Poor.

Sharing is caring
  •  
  •  
  •  
  •  
  •