Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na wala pang pagpapaliban ng mga ‘graduation rites’ ngayong taon.
Ayon kay Education secretary Leonor Briones, wala pang dahilan para ikansela ang mga commencement exercises ng mga estudyante sa pampublikong paaralan mula kinder hanggang senior high school.
“So far, wala pa kaming plano na mag-postpone o mag-cancel. It is always on the advised of the Department of Health,” ayon kay Secretary Briones.
Inaasahang gagaganapin ang mga pagdiriwang ng pagtatapos ng mga mag-aaral sa huling lingo ng Marso o unang linggo ng Abril.
Binigyan diin pa ng kalihim na nanatiling silang nakaantabay sa magiging abiso ng Department of Health kaugnay na rin sa sitwasyon ng corona virus disease o COVID 19 sa bansa.
Una na ring pinaalalahanan ng DepEd ang mga paaralan sa pampublikong paaralan na patuloy na pairalin ang kalinisan, at pag-iingat sa mga isasagawang programa at pagtitipon bilang pag-iwas sa pagkalat pa ng COVID 19.
Sa bahagi ng simbahan, una na ring nagpalabas ng panuntunan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) tulad ng pagtanggap ng komunyon sa pamamagitan ng kamay at pagyukod bilang pagbati ng kapayapaan sa misa.
- Fr. Bernas SJ, pumanaw na - Saturday, March 6, 2021 7:57 am
- Baptismal cathechism, bibigyang tuon ng Archdiocese of Manila - Monday, February 22, 2021 1:09 pm
- ‘Miyerkules ng Abo’, tanda ng pagpapakumbaba at pagtalikod sa kasalanan - Wednesday, February 17, 2021 2:36 pm
- ‘Virtual Wedding’, magpapahina ng kasagraduhan ng kasal - Saturday, February 13, 2021 1:16 pm
- Pananampalataya, ‘essential’ sa paggaling ng may karamdaman - Thursday, February 11, 2021 11:28 am
- Pagpapabakuna laban sa Covid-19, kailangan nang matapos ang ‘community quarantines’ - Friday, February 5, 2021 1:31 pm
- Pagdiriwang ng ‘Grandparents Day’, itinakda ng Santo Papa - Monday, February 1, 2021 8:38 am
- Lifelong commitment at hindi gastusin ang dahilan ng mababang nagpapakasal sa simbahan - Wednesday, January 27, 2021 12:12 pm
- Mamamayan, inaanyayahan sa online bible festival - Friday, January 22, 2021 2:23 pm
- Taumbayan, tutol sa pagtalakay ng Kongreso sa Cha-Cha - Tuesday, January 19, 2021 2:19 pm