Latest News

Valles, muling nahalal na pangulo ng CBCP.

Muling nahalal bilang pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines si Davao Archbishop Romulo Valles.

Ito na ang kanyang magiging ikalawang termino matapos ang isinagawang botohan ng mga obispo sa ika-119 na Plenary Assembly ng C-B-C-P sa Pope Pius XII sa UN Ave. Manila.

Nanatili rin bilang Vice President si Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, at Treasurer si Archbishop John Du ng Archdiocese of Palo.

Tinatayang 83 mga obispo ang kasalukuyang dumadalo sa plenary assembly, 73 dito ang mga aktibo at lima naman ang retirado.

Sa kasalukuyan ang C-B-C-P ay binubuo ng 134 na mga miyembro.

83 sa mga ito ang aktibo sa mga diyosesis, arkidiyosesis at mga prelatura.

Tatlo naman ang nagsisilbing administrators at 45 na ang retirado.

Ang panunungkulan ng mga inihalal na opisyal ng C-B-C-P ay magsisimula sa unang araw ng Disyembre 2019 hanggang sa ika-30 ng Nobyembre 2021.

Ang mga opisyal ng CBCP ay pinahihintulutang mamuno ng dalawang termino, ang bawat termino ay katumbas ng dalawang taon.