Pumanaw na ang itinuturing na “best Ambassador” ng University of Sto.Tomas sa edad na 62-taong gulang.

Sa isang Facebook post, inihayag ng U-S-T na si Associate Profesor Giovanna Villarama-Fontanilla ay naging mukha at boses ng unibersidad sa general public.

Inihayag ng U-S-T na si Prof. Fontanilla, director ng Public Affairs Office ng UST ay isa sa pinakamagaling na “Ambassador” ng unibersidad.

Nagsilbi ito sa U-S-T ng 41-taon bilang professor ng English at speech gayundin naging head o director ng P-A-O noong 1990.



“We join her family in these trying times and express our unending gratitude to her for her selfless service to the Thomasian family,”pahayag ng U-S-T

Iniulat ng UST-Varsitarian na cardiac arrest ang ikinamatay ni Prof.Fontanilla.

Taos-pusong ipinapaabot ng Radio Veritas 846 ang panalangin at pakikiramay sa pamilya ni Prof. Fontanilla at Thomasian community.