Tuloy ang pagpatay sa war on drugs ng gobyerno

Posted on Posted in Cultural

Tuloy-tuloy pa rin ang karahasan at patayan sa anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan.

Ito ang lumabas sa monitoring at pagsusuri ng Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) sa kampanya kontra iligal na droga sa pamumuno ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Pagbabahagi ni Sr. Cresencia Lucero, Vice Chairman ng PAHRA, walang pagbabago sa implementasyon ng PDEA sa kampanya dahil umiiral pa rin ang mga pagpaslang sa mga drug suspects tulad pa rin ng marahas na pamamaraan ng Philippine National Police.

”Hindi nga lang sila naka-uniporme ng pulis pero patayan pa rin. So ano yung pagbabago sa PDEA, what’s new? sa obserbasyon namin ay wala namang pagbabago patuloy parin ang patayan, tuloy pa rin ang mga nabibiktima yung sinasabi nating mga suspect…” pahayag ni Sr. Lucero sa panayam sa Radio Veritas.

Matatandaang Ika-10 ng Oktubre ng ipinalabas ni Pangulong Duterte ang memorandum na inaatasan ang PDEA para solong pangunahan at pangasiwaan ang Anti-illegal Drug Operations sa buong bansa.

Bago ilipat sa PDEA ang pamumuno sa anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan ay umabot sa higit 13-libo ang naitalang bilang ng PAHRA ng mga namatay na may kaugnayan sa illegal na droga sa buong bansa mula ng magsimula ang Administrasyong Duterte.

Kaugnay nito, sa bahagi ng Simbahan ang community-based drug rehabilitation program ang mas naangkop na paraan upang matugunan at masolusyunan ang malawak na problema ng bansa sa illegal na droga kumpara sa marahas na pamamaraan na pinatutupad ng pamahalaan.

Sharing is caring
  •  
  •  
  •  
  •  
  •