Tutukan at resolbahin ang suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura alisunod sa batas ng World Trade Organization.

Ito ang apela ni United Broiler Raisers Association (UBRA) President Atty.Elias Jose M. Inciong sa pamahalaan upang malutas ang mga problemang kinakaharap ng sektor katulad ng banta ng African Swine Fever (ASF), Avian Flu (Bird Flu), problema sa mataas na presyo ng fertilizers at pag-iral ng closed fishing season.

“There is a need to- it is absolute necessary for the government to complete the design of the WTO and implement the laws which implemented the design of the WTO in terms of legislation. But what is required now is executive action the problem is” pahayag ni Atty.Inciong sa Radio Veritas.

Iginiit ng Abogado na napapanahong ang pagpapatibay at wastong pagsunod ng pamahalaan sa apat na pangunahing patakaran ng kalakalan mula sa WTO.

Ito ay ang apat na pundasyon ng kalakalan o ang Market Access, Domestic Support, Trade Remedies at Sanitary Measures.

“Given that those four pillars unfortunately since 1995 ang inemphasize lang ng several administrations, ang inemphasize lang ng executive ay “Market Access,” ayon sa Abogado.

Nakikiisa rin si Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) Chairman Rosendo So sa mga panawagang unahin ang pagtulong sa lokal na industriya ng agrikultra sa halip na tumanggap ng mga imported na suplay ng mga produkting pang-agrikultura.

Umaapela din si Inciong na mas paigtingin ang pag-tulong sa lokal ng industriya ng mga nag-aalaga ng manok.

Una ng nanawagan ang Kaniyang Kabanalang Francisco sa bawat pinuno ng bansa na tulungan ang kani-kanilang sektor ng agrikultura habang nanawagan narin ang Caritas Philippines ng pagkakaroon ng sapat na suporta para sa sektor na pangunahing lumilikha ng pagkain sa pilipinas.