Cultural

Transparency server ng Comelec, dapat suriin ng mga IT expert

Iminumungkahi ni Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc sa mga information technology (IT) expert na suriin ang lumalabas na resulta ng transparency server ng Commission on Elections.

ito ay kaugnay na rin sa resulta ng bilangan at ang agam-agam ng ilan na nagkaroon ng dayaan.

“What Church should do? To encourage IT experts to find what they should do,” ayon kay Bishop Dimoc.

Ayon pa sa obispo nakapagtataka lalu’t tila may template sa mga boto ng mga botante mula luzon hanggang mindanao base na rin sa inilabas na resulta.

Giit pa ng obispo, lima sa Top 10 senatorial candidates sa provincial tally ang tuwinang lumalabas na may pinakamalalaking bilang ng boto- na sina Pia cayetano, Ronald dela Rosa, Bong Go, Imee Marcos at Cynthia Villar na pawang kandidato ng administrasyon.

Dagdag pa ng obispo, tanging sa Naga city lang nanguna ang Otso Diretso na kandidato ng oposisyon.

BOTO LABAN SA EJK

Nagtataka rin ang obispo na sa kabila ng maraming pagtutol ng mamamayan sa isyu ng Extra Judicial Killings ay hindi ito nakita sa resulta ng lumabas sa botohan.

“Where now is the strong objection of Catholics against EJK? It cannot be found in the result of votes except in Naga City,” dagdag pa ng obispo.

BOTANTENG FILIPINO

Sa panig naman ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, hindi programa at kakayahan ang nagiging batayan ng mga Filipino sa pagpili ng kanilang iboboto.

Ayon sa obispo, simple at praktikal ang mga botanteng Filipino na mas pinipili ang pagiging popular, kamag-anak o kaibigan at mga kandidato na madaling lapitan o hingan ng tulong.

“My analysIs on the why of the winning senators, people voted not on the programs or capacity of being a legislature but on 3 grounds; those that they like ( guapo, popular, appeal); those that are close to them (relatives, friends, identified with, easy malapitan) and those who can help (patronage, pro poor, community projects),” ayon kay Bishop Bagaforo.

Una na ring inihayag ng ilang mga obispo na bagama’t naging payapa ang halalan ay kapansin pansin ang talamak na bentahan ng boto sa kanikanilang lalawigan.

Mungkahi naman ni Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr., ang pagkakaroon ng patuloy na voters education upang mai-ugnay ng mamamayan ang pagiging mabuting katoliko sa pagpili ng lider ng bansa na magsisilbi hindi lamang sa iilan kundi sa mas nakakarami.