Economics

Trabaho sa mga Filipino, giit ng Obispo

557-Front-BishopSantos-595x264

Walang dahilan na umalis sa bansa ang mga Filipino kung may sapat na trabaho sa Pilipinas.

 

Ito ang inihayag ni Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines- Episcopal Commission on Migrants and Itinerant Peoples (CBCP-ECMI).

 

Patuloy naman ang panawagan ng Obispo sa pamahalaan na lumikha pa ng maraming trabaho sa bansa upang maiwasan na ang pagdami ng mga Pilipinong nangingibang bayan.

 

Kinikilala rin ni Bishop Santos ang malaking naiaambag ng Overseas Filipino Workers (OFW) sa pag–unlad ng ekonomiya ng bansa.

 

“We appeal to the government na kung saan nga ay hindi nababawasan ang mga umaalis at bagkus ay dumarami pa at marami pa ang gustong umalis. Kaya we appeal to the government na it is the primary duty/obligation of the government to provide jobs for us. Tulad ng sinabi ko sa kanila kung mayroong trabaho dito, hindi na aalis sila at hindi na mahihirapan pa…maski na maliit ang kinikita ay nanjan naiiwan, at saka ibig sabihin ay malaking panganib sa ating pamahalaan ang tinatawag nating “Drained” na nauubusan tayo ng mga manggagawa,” bahagi ng pahayag ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

 

Sa huling tala ng National Council of Churches in the Philippines (NCCP) na ayon sa United Nations nang ipagdiwang ang International Migrants Day nitong nakaraang Biyernes na umabot na sa anim na libong Pilipino ang umaalis sa bansa kada araw.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) may 11 milyong OFW ang nasa iba’t ibang bahagi ng mundo.

 

Magugunita na noong taong 2014, $24 bilyon dolyar ang kontribusyon ng OFW, pangalawa lang ang Business Processing Outsource (BPO) o sektor ng call center na nakapagpapasok naman ng $18B.