EnvironmentLatest News

Total ban ng single-used plastics, ipatupad.

Hinamon ng Ecowaste Coalition ang Kongreso na ipasa ang batas na magbabawal sa paggamit ng single-used plastic sa bansa.

Ginawa ng Ecowaste coalition ang panawagan matapos ipagbawal sa Quezon City ang paggamit ng plastic disposable materials sa mga kainan tulad ng mga restaurants at hotels.

“Ang dulong tunguhin ng Ecowaste Coalition ay ipasa na ng 18th congress ang isang batas na magpapawal ng lahat ng single-used plastic packaging and products sa buong bansa.” pahayag ng grupo sa Radyo Veritas.

Pinuri naman ng Ecowaste Coalition ang Quezon City government at iba pang lungsod tulad ng Los Banos Laguna sa pagpapatupad ng makakalikasang ordinansa.

Hinimok din ng grupo ang mamamayan na bawasan na ang paggamit ng single-used plastics at gumamit na lamang ng mga reusable materials na makatutulong sa kalikasan.

Matatandaang nanawagan rin si Imus Bishop Reynaldo Evangelista sa mga mananampalataya na iwasan na ang paggamit ng single-used plastics.

Dagdag pa ng Obispo, sa simpleng pagtatapon lamang ng mga plastic na basura sa kalsada ay may malaking epekto na sa kapaligiran.

Read: https://www.veritas846.ph/tigilan-na-ang-paggamit-ng-single-use-plastics/

Sa tala, ang Pilipinas ang pangatlo sa buong mundo na nakakapaglikha ng plastic waste kada taon.