Cultural

There are end to lies and calumny!

“Don’t worry about what you are to say; for you shall say what will be given to you in that hour. It is not you who speak but the Holy Spirit” (Mark 13,11).

Nagpahayag ng suporta ang Diocese ng Balanga Bataan sa mga obispo ng simbahan na sinampahan ng kasong sedition ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group.

Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, ang kaso ay isang panghihiya at maling bintang na ikinakabit sa mga lingkod ng simbahan.

“In this time that some of my brother-bishops are maligned and wrongly accused, we the Diocese of Balanga stand by them and support them in their struggle for truth and justice. There are end to lies and calumny. God’s mercy prevails. His truth triumphs. Priesthood is to suffer and to sacrifice. Our episcopacy is victimhood,” ayon sa mensahe ni Bishop Santos.

Tiniyak ng Obispo na kabilang ang buong diyosesis para ipaglaban ang katarungan sa pagkamit ng katotohanan.

Naunang tinawag ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. na stupid ang PNP-CIDG matapos sampahan ng kasong sedition ang ilang lider ng Simbahang Katolika.

Read: Pagkakasangkot ng mga lider ng simbahan sa sedition case, tinawag ng Obispo na stupid

Panawagan din ng Obispo sa lahat na sundin ang payo at turo ng ating mga magulang na huwag magsinungaling kasabay na rin ng pagpapatotoo nito sa unang naging pahayag ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na hindi ito kabilang sa binabanggit na pagpupulong na naganap noong ika-12 ng Disyembre 2018.

“Our former bishop in the Diocese of Balanga, Socrates Villegas, was here in the parish church of Our Lady of the Holy Rosary in Orani last December 12. He was the homilist of our newly ordained priest-Father Jersey Prepose as he celebrated his first holy mass at 6pm of that December 12. Let us remember and heed to what our parents taught us “don’t tell a lie.”  pahayag ni Bishop Santos

Sa bahagi naman ni CBCP-Vice President Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, sinabi nitong hindi makatarungan at isa lamang panggipit laban sa mga kritiko ng administrasyon ang akusasyon laban sa kanila.

Iginiit Obispo sa kaniyang Facebook post na ito ay hindi lamang kawalang katarungan sa mga inaakusahan kundi maging sa institusyon ng PNP na pagsunod sa maling katwiran na hindi bahagi ng kanilang mandato bilang tagapagpatupad ng batas.

SERVICE, HONOR, JUSTICE?
One of the 10 commandments says, “Thou shalt not bear false witness against thy neighbor.” The charges of sedition being leveled against us are not only unjust; they are atrocious. They are based on nothing but false testimony. What motivates the supposed witness to give false testimonies is what in fact they should be investigating. The intention is obvious: pure harassment and an effort on the part of the PNP to do, not their sworn duty, but what they think will be pleasing to the higher authorities. They are in effect doing a disservice, dishonor and an injustice to their own institution and to the few remaining people of integrity among their fellow officers in uniform. Perhaps they should be reminded of their motto, which is summed up in three words emblazoned in big bold letters on their coat of arms: SERVICE, HONOR, JUSTICE.

Bukod kay Archbishop Villegas at Bishop David, kabilang din sa mga kinasuhan ng PNP sina Cubao Bishop Honesto Ongtioco, Novaliches Bishop-emeritus Teodoro Bacani Jr., running priest Fr. Robert Reyes, Frs. Flaviano Villanueva, at Jesuit priest Albert E. Alejo.