Duda ang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa motibo ng kongreso sa isinusulong na pag-amyenda ng Saligang Batas.
Nangangamba si Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na hindi lamang economic provisions ang dahilan ng isinusulong na Charter Change.
“Hindi kapanipaniwala na iyan ay economic provisions lang. besides economic provisions ay nasa atin na ng matagal bakit ngayon lang nila gagawin?,” ayon kay Bishop Pabillo.
Isa sa mga agam-agam ni Bishop Pabillo ay ang nalalapit na panaho ng halalan na maaring bahagi sa mga pag-uusapan lalu na ang usapin ng pananatili sa posisyon ng mga opisyal ng gobyerno.
Ang isang nakakaduda dito ay malapit na ang eleksyon, one and a half year na lang ay elections na so ‘yan ay papasukin din nila ‘yan. O kaya malaking suspetsa ng mga tao na ang bahagi nyan ay ‘term extension’. Giit pa ng obispo na hindi ito ang unang pagkakataon na isinusulong ang Cha-Cha tuwing matatapos ang termino ng mga halal na opisyal.
“Baka may iba pang dahilan,” giit ng obispo. Kaya’t panawagan ng obispo na mapigilan ang pagsasagawa ng Cha-Cha sa halip ay mas akmang talakayin ito ang pag-amyenda sa mga probisyon ng susunod na administrasyon.
- Baptismal cathechism, bibigyang tuon ng Archdiocese of Manila - Monday, February 22, 2021 1:09 pm
- ‘Miyerkules ng Abo’, tanda ng pagpapakumbaba at pagtalikod sa kasalanan - Wednesday, February 17, 2021 2:36 pm
- ‘Virtual Wedding’, magpapahina ng kasagraduhan ng kasal - Saturday, February 13, 2021 1:16 pm
- Pananampalataya, ‘essential’ sa paggaling ng may karamdaman - Thursday, February 11, 2021 11:28 am
- Pagpapabakuna laban sa Covid-19, kailangan nang matapos ang ‘community quarantines’ - Friday, February 5, 2021 1:31 pm
- Pagdiriwang ng ‘Grandparents Day’, itinakda ng Santo Papa - Monday, February 1, 2021 8:38 am
- Lifelong commitment at hindi gastusin ang dahilan ng mababang nagpapakasal sa simbahan - Wednesday, January 27, 2021 12:12 pm
- Mamamayan, inaanyayahan sa online bible festival - Friday, January 22, 2021 2:23 pm
- Taumbayan, tutol sa pagtalakay ng Kongreso sa Cha-Cha - Tuesday, January 19, 2021 2:19 pm
- Term extension, motibo ng Cha-Cha - Tuesday, January 19, 2021 1:21 pm