Malaking bahagi ng mamamayang Filipino ang hindi sang-ayon na pag-usapan ng kongreso sa kasalukuyang ang Charter Change o pag-amyenda sa Saligang Batas.
Ito ay ayon sa pinakahuling pag-aaral na isinagawa ng Veritas Truth Survey (VTS) sa may 600-online respondents sa buong bansa noong January 4-8.
Sa resulta ng VTS, 75-porsiyento sa mga respondents ang hindi sang-ayon na kagya’t na talakayin ang Cha-cha.
Dalawamput-tatlong porsiyento naman ang mga sumagot ang pumapayag habang dalawang porsyento ang ‘undecided’.
Ito ay katumbas ng dalawa sa 10 mga Filipino ang sang-ayon sa Kongreso sa pagtalakay ng pag-amyenda ng Konstitusyon.
Ayon kay Bro. Clifford Sorita, chief strategist ng VTS na ang resulta ng pag-aaral ay nagpapakita na mas dapat munang ituon ng mga mambabatas ang kanilang panahon sa ibang mga usapin.
“Changing our Constitution is such a serious matter for the entire country, because it will determine the future of our country politically, that we must make the widest consultation on this regard for adequate information, discussion and education,” ayon kay Sorita.
Ayon naman kay Fr. Anton CT Pascual-pangulo ng Radio Veritas, isang wake-up call ang resulta ng VTS bilang pananaw ng publiko sa authentic political transformation.
“CHARACTER CHANGE must precede CHARTER CHANGE. Having Charter Change without adequate ‘social change’ is like wearing brand new clothes without even taking a bath,” ayon kay Fr. Pascual.
- Baptismal cathechism, bibigyang tuon ng Archdiocese of Manila - Monday, February 22, 2021 1:09 pm
- ‘Miyerkules ng Abo’, tanda ng pagpapakumbaba at pagtalikod sa kasalanan - Wednesday, February 17, 2021 2:36 pm
- ‘Virtual Wedding’, magpapahina ng kasagraduhan ng kasal - Saturday, February 13, 2021 1:16 pm
- Pananampalataya, ‘essential’ sa paggaling ng may karamdaman - Thursday, February 11, 2021 11:28 am
- Pagpapabakuna laban sa Covid-19, kailangan nang matapos ang ‘community quarantines’ - Friday, February 5, 2021 1:31 pm
- Pagdiriwang ng ‘Grandparents Day’, itinakda ng Santo Papa - Monday, February 1, 2021 8:38 am
- Lifelong commitment at hindi gastusin ang dahilan ng mababang nagpapakasal sa simbahan - Wednesday, January 27, 2021 12:12 pm
- Mamamayan, inaanyayahan sa online bible festival - Friday, January 22, 2021 2:23 pm
- Taumbayan, tutol sa pagtalakay ng Kongreso sa Cha-Cha - Tuesday, January 19, 2021 2:19 pm
- Term extension, motibo ng Cha-Cha - Tuesday, January 19, 2021 1:21 pm