500 Years of Christianity Countdown

Inaanyayahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na pagnilayan at palalimin ang ugnayan sa Panginoon.

Sa Lenten message ni CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles, binigyang diin nito ang kalahagahan ng biyaya ng binyag na tinanggap ng bawat indbidwal.

“Thus, my hope and prayer during these very trying times because of the pandemic and its multifaceted negative consequences affecting all of us, is that we come to a deeper appreciation of our being configured to Christ,” bahagi ng mensahe ni Archbishop Valles.

Ipinaliwanag ng arsobispo na bilang pakikiisa kay Kristo ay kinakailangang ipadama ang habag, awa at gumawa ng kabutihan sa kapwa lalo ngayong naranasan ng lipunan ang krisis na dulot ng coronavirus pandemic.

Hinimok ng opisyal ng C-B-C-P ang mananampalataya na patuloy magtiwala sa Diyos na mapagtagumpayan ang anumang paghihirap na kinakaharap.

“Together with our prayers, our fasting,and our participation in the solemn liturgical celebrations, we also exert earnest effort at doing works of charity and solidarity with those who are most suffering among us in these difficult days of the pandemic.”

Pebrero 17, pormal na magsisimula ang kuwaresma sa Miyerkules ng Abo ang apatnapung araw na paghahanda sa paggunita ng pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoon.

Hamon ni Archbishop Valles sa mamamayan na dapat buong kababaang loob na tanggapin ang bawat krus ng buhay at i-alay sa Diyos ang mga sakripisyo tulad ng mga halimbawa ni Hesus na matagumpay na tinawid ang dilim ng kamatayan alang-alang sa katubusan ng sanlibutan.