Cultural

Special prayer para sa inuusig na mga alagad ng Simbahan, inilabas ng Diocese of Balanga.

Ipinanalangin ng Diyosesis ng Balanga ang ikatatagumpay ng mga lingkod ng Simbahang pinararatangan ng pagpapabagsak sa pamahalaan.

Nagpalabas ng espesyal na panalangin ang diyosesis sa inisyatibo ni Bishop Ruperto Santos habang hinihintay ang hatol ng Department of Justice sa ipinasang counter-affidavit ng apat na obispo at tatlong pari.

“Here in our Diocese, we have special prayer for our dear four Bishops as we are waiting for verdict on their counter-affidavit. We trust and have faith in God that truth triumphs and they will be freed from lies and calumnies,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Dalangin ng Obispo na lalabas ang katotohanan kaugnay sa alegasyon ng pamahalaan laban sa 36 na indibidwal kabilang na sina Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, Cubao Bishop Honesto Ongtioco at Novaliches Bishop – Emeritus Teodoro Bacani Jr., at tatlong pari.

Tiwala si Bishop Santos na malinawan ang mamamayan sa mga kasinungalingang pinalalaganap sa lipunan partikular sa mga pastol ng simbahan na maituturing gawain ng kadiliman.

Noong Setyembre ay naghain ng counter-affidavit ang mga obispo at pari upang pasinungalingan ang mga ibinibintang laban sa kanila.
Samantala binigyang diin naman ni Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng Permanent Committee on Public Affairs ng CBCP at tumatayong tagapagsalita sa inakusahang mga lingkod ng Simbahan na bahagi ng gawain ng simbahan ang pangangalaga sa mga nangangailangan bukod sa pagpuna sa mga maling ginagawa ng administrasyon.

“Hindi lang naman pagpuna ang ginagawa ng Simbahan, constructive din naman in a sense na gumagawa din ang simbahan ng mga pagkilos para matulungan yung mga Filipino,” pahayag ni Fr. Secillano sa Radio Veritas.

Nilinaw ng pari na ang pagpuna ng simbahan sa mga ginagawa ng gobyerno partikular sa marahas na implementasyon ng war on drugs ay upang maiwasto ang maling pamamaraan na ginagamit sa pagsugpo sa nasabing suliranin.

Aniya ang paglingap nina Bishop David, Fr. Flavie Villanueva, Fr. Robert Reyes at Fr. Albert Alejo sa mga naulinang pamilya ng mga biktima ng ‘Tohkang’ ay pagsunod lamang sa katuruan ni Hesus na pangalagaan ang mga mahihirap.

“Sa biblical ang definition ng poor, sila yung mga widows, at orphans and then Jesus Christ himself told us that we take care of them,” paglilinaw ni Fr. Secillano.

Sa Nobyembre itinakda ng Department of Justice na ilabas ang desisyon tungkol sa tugon ng mga obispo at pari sa kasong sedition, cyber libel, libel, obstruction of justice at harboring of criminal na isinampa laban sa kanila ng PNP-CIDG
sa tulong Office of the Solicitor General.

PRAYER

O Heavenly Father, we thank you that you are intimately involved in our life and nothing is hidden from you. Today, we come to You as we stand for the truth and united in faith. You have promised that all things work together for good to those who love You and are called according to Your purpose. We pray for your divine intervention for we know your will is to bring forth both justice and mercy. Loving God, you see what’s going on in the life of some of our priests and Bishops. Bring to light every lie and evil plot that the enemy has planned for them. May righteousness and justice prevail into their situation.

Vindicate the priests and our Bishops who have been falsely accused of sedition, obstruction of justice, and other criminal complaints. We pray that nothing in any form shall harm them or their loved ones. We also pray for impartiality to those involved in the probe so they may render conclusions based on facts. We ask in the name of Jesus that the enemy flee from our priests and Bishops and may this season of trials results in bearing more fruits.

Enlighten the minds of the people attacking the clergy and the Catholic’s core of faith as a whole. We call upon upon you Lord to open their eyes and capture their hearts. Merciful God, we are confident that you will answer our prayers. We thank You and give You all the glory for everything you are and everything you are going to do, In Jesus’ most precious name,Amen.