Cultural

Simbahang Katolika sa Pilipinas, nakikidalamhati sa mananampalataya ng nasunog na Notre Dame cathedral

Nakikiisa ang Simbahang Katolika sa Pilipinas sa pagdadalamhati ng mga mananampalataya sa Paris dahil sa pagkasunog ng Notre Dame Cathedral o kilala rin bilang Our Lady of Notre Dame.

“The Mother Church of the Philippines grieves with the Mother Church of Paris. As a church that suffered various calamities and destruction throughout the centuries, the Manila Cathedral grieves with the church in France for the fire incident in their beloved Notre Dame Cathedral. But amidst this grief, the resurrection of our Lord Jesus signals the hope of rebirth and reconstruction. As St. Paul says in his letter to the Corinthians, “we are hard pressed on every side, but not crushed; perplexed, but not in despair; persecuted, but not abandoned; struck down, but not destroyed,” pahayag ng Manila Cathedral sa kanilang official facebook page.

Umaasa naman si Ozamis Archbishop Martin Jumoad na muling maipapaayos ang nasirang bahagi ng cathedral.

Naniniwala si Bishop Jumoad na ang naganap na sunog ay pagpapahiwatig na kailangang babalik ang mga tao sa Panginoon para mapatatag ang pananalig.

Sinabi ni Bishop Jumoad na higit na kailangang i-renew ng mga tao ang pananampalataya na madalas sinusubok ng apoy.

“Nalulungkot ako kase nalaman ko nasunog po yung Notre Dame Cathedral. Ito po ang simbolo ng ating pananalig, sana po ma-rehabilitate kaagad. At the same time, ito po ay nagpapahiwatig sa atin na kailangan po ang mga tao ay babalik sa panginoon para hindi talaga mawala yung ating pananalig. We have to renew our faith and then we have to remember that sometimes faith is tested by fire, but then we must continue to be strong in our faith,” ayon kay Archbishop Jumoad.

Ayon naman kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People na sa kabila ng insidente ay mananatiling matatag ang pananampalataya sa Diyos.

“It is very sad news. We are all affected. Yet our faith to God stands firm and He will build them up. God is our comfort, He will console us all. Our prayers and holy masses are for them,” ayon kay Bishop Santos.

Unang nagpahayag ng kanilang mensahe at pakikiisa ang ilang matataas na opisyal ng simbahan mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo dahil sa pagkasunog ng Notre Dame Cathedral.

Kabilang sina New York Archbishop Cardinal Timothy Dolan; Quebec Archbishop Gerald Cyrien Lacroix; Chicago Archbishop Cardinal Blasé Cupich; Toronto Archbishop Cardinal Thomas Collins; Philadelphia Archbishop Charles Chaput; Westminster Archbishop Cardinal Vincent Nichols. Hinihikayat din ng mga arsobispo ang lahat ng mananampalataya na ipanalangin ang mga mananampalataya ng Paris kaugnay na rin sa insidente.

Nagpahayag na rin ng pakikiisa ang mga opisyal ng simbahan kina Paris Archbishop Bishop Michel Aupetit at sa rector ng cathedral na si Bishop Patrick Chauvet.

Sa mahabang panahon ang Notre Dame Cathedral sa Paris ay nagsilbing sentro ng mga pilgrimage site at nakatakdang sanang ibukas sa publiko ang mga relikya sa biyernes santo.

Ang Our Lady of Paris o kilala rin bilang Notre Dame Cathedral ay sinimulang itayo noong 13th century na sa kasalukuyan ay nagdiwang na ng kaniyang ika-856 na taon.