Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Simbahan, naalarma sa tumaas na kaso ng suicide sa Bohol… Project Bohol, inilunsad

SHARE THE TRUTH

 398 total views

Hinimok ng pinunong pastol ng Tagbilaran ang mananampalataya sa Bohol at sa buong mundo na pasiglahin ang espiritwal na aspeto ng buhay.

Ang mensahe ni Bishop Alberto Uy ay kaugnay sa dumaraming kaso ng pagpapatiwakal sa Bohol nitong mga nakalipas na buwan na karamihan ay mga kabataan ang sangkot.

Ayon sa Obispo, ang pananalangin ang mabisang pamamaraan na labanan ang kasamaan na lumaganap sa lipunan na sumisira sa pamilya at bawat tao.

“I inspire everyone, every Boholano family, every 6 o’clock maghiusa ta sa pag-ampo sa Angelus, mag-rosaryo ug kang San Miguel Arkanghel nga atong maglalaban [magkaisa tayo sa pananalangin ng Angelus, Santo Rosaryo at kay San Miguel Arkanghel],” panawagan ni Bishop Uy.

Naniniwala ang Obispo na sa sama-samang pagdarasal ay manumbalik ang sigla ng pagbubuklod-buklod ng pamilya at higit na magabayan ang bawat miyembro lalo na kung may mga pinagdadaanang suliranin.

Sinabi ng Obispo na ang tumataas na kaso ng suicide na umaabot na sa higit sampung kaso ay maituturing na pakikipaglaban sa masamang espiritu na gumugulo sa mamamayan na bahagyang lumayo ang relasyon sa Panginoon.

Paliwanag ng Obispo na isang kumplikadong usapin ang suicide at wala itong partikular na mga dahilan kung bakit nagagawa ng tao ang pagpapakamatay sapagkat iba-iba ang suliranin na kinakaharap nito sa buhay.

MGA SANHI NG SUICIDE

Tinukoy ni Bishop Uy ang ilan sa mga posibleng sanhi ng pagpapatiwakal ng tao; una ang kahirapan na kadalasang kinakaharap ng tao, mental health issues, emotional issue na posibleng nakaranas ng trauma ang isang tao mula pagkabata kaya’t mahina ang emosyonal na aspeto na maaring sanhi ng agarang pagsuko sa bawat hamon.

Bukod dito ay binigyang pansin din ni Bishop Uy ang kaso ng bullying, pagkalulong ng tao sa alak at ipinagbabawal na gamot at maging ang genetic o may mga kaanak noon na namatay din bunsod ng suicide.

Aniya, ang labis na stress dulot ng trabaho, gawi ng pamumuhay maging ang pagkainggit sa kapwa ay maaring magtulak din sa tao na magpakamatay.

Giit nito na maituring na pinakamalaking sanhi dito ang kawalan ng panahon ng tao sa pakikipag-usap sa Panginoon at nakatuon lamang sa mga materyal at makamundong bagay.

PAGTUGON SA SUICIDE

Sinabi pa ni Bishop Uy na dapat magtulungan ang lahat ng sektor ng lipunan sa pagtugon sa kaso ng suicide na ayon sa World Health Organization 800, 000 katao ang nagpapakamatay bawat taon o katumbas sa isang tao sa loob ng 40 segundo kayat labis na nakakabahala ang usapin.

“We need to address it in different perspective unya kinahanglan ni siya ug [kinakailangan nito ang] multi-approach, kinahanglan ni siya ug [kaialangan dito ang] collaborative effort,” sinabi pa ni Bishop Uy.

Dahil dito, labis ang pasasalamat ng Obispo sa kagyat na pagtugon ng ilang indibidwal na nag-organisa ng grupong kinabibilangan ng mga health professionals, volunteers at advocates, mga guro, magulang at kabataan na handang makiisa sa pagsugpo sa suicide.

Kabilang na rito ang PAGPAKABUHI (PAGhatag ug PAgtagad sa KAbililhon sa kinaBUHI): An Advocacy for Mental Health na layong umikot sa mga lugar sa Bohol upang magbigay ng seminar na makatutulong mapalalim ang kamalayan ng mamamayan sa mental health.

Ikinatuwa rin ni Bishop Uy ang pakikilahok ng mga kabataan na nag-organisa ng Project Bohol: Mental Health Awareness kung saan naglunsad ito ng mga numero na maaring matawagan ng mga taong nangangailangan ng makakausap.

“Nakatutuwa ang mga kabataan na kumikilos sila para matugunan ang problema dahil alam nila ang lenggwahe ng mga kabataan,” saad ng Obispo.

Batay sa social media page ng Project Bohol maaring tumawag sa mga suicide prevention and emotional crisis hotlines sa PAGLAUM CENTRO BISAYA 09399375433, 09399365433, 09276531629 sa IN TOUCH COMMUNITY SERVICES INC naman sa 09228938944 habang sa NATIONAL CENTER FOR MENTAL HEALTH CRISIS HOTLINE naman sa 09178998727.

Bukas din ang mga Madre sa Bohol na tumulong sa paglingap sa mga taong nangangailangan ng counselling at spiritual direction sa kanilang mga tanggapan o kombento at sa St. Joseph Cathedral sa Tagbilaran City.

Sa huli ay hinimok ni Bishop Uy ang bawat mamamayan na palawakin ang pagbibigay ng oras sa pamilya upang mas makasalamuha ang mga miyembro nito lalo na ang mga kabataan na may kinakaharap na hamon sa buhay.

SUMMIT FOR FAMILIES

Magsasagawa rin ng pagtitipon ang Diyosesis ng Tagbilaran sa pangunguna ng Commission on Family and Life sa darating na ika – 19 ng Oktubre na layong tatalakayin ang usaping pangkaisipan.

Inaanyayahan nito ang lahat na makilahok sa pagtitipon at pakinggan ang mga ibabahagi ng eksperto sa larangan ng mental health na makatutulong sa paggabay sa bawat pamilya.

Magsisimula ang Summit for Families on Mental Health alas 7:30 ng umaga hanggang alas 5 ng hapon sa Bohol Cultural Center.

Ilan sa mga magbabahagi sina Hon. Miriam Cue, PhD isang registered psychologist at chairman ng Board of Psychology na tatalakay sa ‘Mental Health and Spiritual Care’; Lillian Gui, MA, Chairperson ng Counselling Psychology Division ng Psychological Assosciation of the Philippines na sesentro naman ang tatalakayin sa ‘Understanding the Youth in the Age of Social Media’; Ma. Margarita II Magdoza – Bandija, MS ang head ng Human Resource Department ng Holy Name University na tatalakay sa ‘Families in Raising Children with Special Challenge’; at Dr. Rene Josef Bullecer, MD ang National Director ng Human Life International na tatalakay sa ‘Beatitudes for the Youth.’

Para sa karagdagang detalye makipag-ugnayan lamang sa 09328725761, 09171872779 at 09234542147

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Agri transformation

 25,372 total views

 25,372 total views Ang Pilipinas ay kilala bilang isang agricultural country ngunit ilang dekada na ang problema ng bansa sa food security., Ang agri sector ay may pinakamababang kontribusyon sa gross domestic product (GDP) o ekonomiya ng bansa. Ano ang problema? Sa pag-aaral, ang agricultural sector ng Pilipinas ay hindi umuunlad dahil nahaharap ito sa problema

Read More »

Bagong usbong na trabaho para sa Pilipino

 36,418 total views

 36,418 total views Upang maisakatuparan ito Kapanalig, isinabatas ang Green Jobs Act o Republic Act 10771 noon pang taong 2016. Ang green jobs, kapanalig, ay tumutukoy sa mga trabaho na nakakatulong sa pangangalaga at pagpapanatili ng kalikasan. Kabilang dito ang mga trabaho sa renewable energy, waste management, sustainable agriculture, at iba pang sektor na naglalayong bawasan

Read More »

Political Mudslinging

 41,218 total views

 41,218 total views Kapanalig, 28-days na lamang ay Pasko na… ito ang dakilang araw ng pagkapanganak sa panginoong Hesus sa sabsaban… panahon ito ng pagmamahalan at pagbibigayan. Sa kristiyanong pamayanan, ang kapaskuhan ay nararapat na banal at masayang paghahanda sa pagdating ng panginoong Hesus… Pero, ang Pilipinas ay nahaharap matinding suliranin… Ngayong 4th quarter ng taong

Read More »

Buksan ang ating puso

 46,692 total views

 46,692 total views Mga Kapanalig, sa pangunguna ng papal charity na Aid to the Church in Need (o ACN), itinalaga ang araw na ito—ang Miyerkules pagkatapos ng Kapistahan ng Kristong Hari bilang Red Wednesday. Araw ito ng pag-alala sa mga Kristiyanong inuusig at pinagmamalupitan dahil sa kanilang pananampalataya. Hindi man ganoon kalaganap ang pang-uusig sa mga

Read More »

Mga biktima ng kanilang kalagayan sa buhay

 52,153 total views

 52,153 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, inanunsyo ni Pangulong BBM na makauuwi na ang overseas Filipino worker (o OFW) na si Mary Jane Veloso. Siya na yata ang pinakainaabangang makauwi na OFW mula nang makulong siya sa Indonesia mahigit isang dekada na ang nakalilipas. Noong 2010, nahuli siya sa isang airport sa Indonesia dahil

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Rector ng Quiapo church, itinalagang Obispo ng Balanga ni Pope Francis

 3,614 total views

 3,614 total views Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Fr. Rufino Sescon, Jr. bilang ikalimang obispo ng Diocese of Balanga sa Bataan. Kasalukuyang Kura Paroko at Rector ng Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazareno o Quiapo Church si Bishop-elect Sescon kung saan itinaon ang pag-anunsyo ngayong araw December 3 kasabay ng pagdiriwang ng kapistahan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pagkakaisa ng mananampalataya sa Diocese of San Pablo, panalangin ni Bishop Maralit

 6,922 total views

 6,922 total views Umaasa si San Pablo Bishop Marcelino Antonio Maralit, Jr. na magbuklod ang pamayanan ng Laguna para sa pag-unlad ng pananampalataya. Ito ang pahayag ng obispo makaraang pormal na mailuklok bilang ikalimang pastol ng diyosesis nitong November 21 sa ritong pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa St. Paul the First Hermit Cathedral.

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Diocese of Cubao, ipagdiriwang ang World of the Poor kasama ang mga dukha

 11,632 total views

 11,632 total views Magsasagawa ng programa ang Urban Poor Ministry ng Diocese of Cubao sa pagdiriwang ng 8th World Day of the Poor sa November 17. Ayon kay Ministry Coordinator Fr. Roberto Reyes,magbuklod ang diyosesis kasama si Bishop-elect Elias Ayuban, Jr. upang ipgdiwang ang natatanging araw na inilaan ng simbahan para mga dukha ng lipunan. Ibinahagi

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Buong simbahan sa Pilipinas, hinimok na makiisa sa Red Wednesday Campaign

 11,658 total views

 11,658 total views Inaanyayahan ng Pontifical Foundation Aid to the Church in Need (ACN) Philippines ang mamamayan na makiisa sa paggunita sa mga kristiyanong inuusig dahil sa paninindigan sa pananampalataya. Hinimok ni ACN Philippines President, Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang mga simbahan at buong pamayanan na makilahok sa taunang Red Wednesday campaign sa November 27

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Katesismo sa paglilipat ng araw ng Solemnity of the Immaculate Conception, ipinag-utos ng CBCP

 11,721 total views

 11,721 total views Hinimok ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na makiisa sa pagdiriwang ng dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria sa December 9. Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Liturgy Chairperson, Ilagan Bishop David William Antonio, dapat mabigyan ng wastong katesismo ang mananampalataya sa paglilipat ng petsa ng

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalatayan hinihikayat na lumahok sa red wednesday campaign

 13,449 total views

 13,449 total views Hinimok ni Capiz Archbishop Victor Bendico ang mga nasasakupan sa arkidiyosesis na makilahok sa taunang Red Wednesday campaign. Ayon sa arsobispo mahalagang magbuklod ang kristiyanong pamayanan sa pagpaparangal at pananalangin sa kaligtasan sa mga kristiyanong biktima ng karahasan dahil sa pananampalataya. “Through this commemoration, we are called to deepen our compassion for those

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato

 13,979 total views

 13,979 total views Nilinaw ng Archdiocese of Manila na hindi ito mag-iendorso ng sinumang pulitiko sa nalalapit na halalan. Ayon kay Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula,bahagi ng pagpapastol bilang arsobispo ang paggawad ng espirituwal na paggabay sa mga taong naghahangad maglingkod sa bayan. “Ang pagtanggap ng Arsobispo ng Maynila sa mga bumibisitang kandidato sa kanyang tahanan

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Church needs more vocation to the Priesthood

 14,005 total views

 14,005 total views Inaanyayahan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang mananampalataya na maging aktibong kabahagi ng simbahan sa paghimok sa kabataang piliin ang bokasyon ng pagpapari at buhay relihiyoso. Ito ang mensahe ng obispo sa paggunita ng simbaha sa National Vocation Awareness Month ngayong Nobyembre kung saan binigyang diin ang malaking tungkulin ng kristiyanong pamayanan sa

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mamamayan, binalaan ni Bishop Pabillo sa fake online product endorsement

 14,006 total views

 14,006 total views Pinag-iingat ng Apostolic Vicariate of Taytay Palawan ang mananampalataya hinggil sa mga fake online product endorsements ni Bishop Broderick Pabillo. Batay sa napapanuod online lalo na sa social media platform Facebook may artificial intelligence (AI) generated video si Bishop Pabillo na nag-endorso ng herbal products. “Bishop Broderick Pabillo did not endorse any products

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Bishop-designate ng Diocese of Prosperidad, umaapela ng pagkakaisa

 14,034 total views

 14,034 total views Umapela ng pagtutulungan si Prosperidad Bishop-designate Ruben Labajo sa mananampalataya ng Agusan Del Sur kasabay ng paghahanda sa pormal na pagluklok ng bagong obispo at pagtalaga ng diyosesis. Ipinaalala ng obispo na mahalaga ang pagkakaisa upang matagumpay na maisagawa ang pagtatakda ng ika -87 diyosesis sa bansa. “Now that we are still preparing

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Jubilee year 2025, gamitin sa pagpapanibago ng buhay

 15,018 total views

 15,018 total views Hinimok ng Office for the Promotion of New Evangelization ang mananampalataya na gamiting pagkakataon ng pagpanibago ang 2025 Jubilee Year of Hope. Ayon kay Sta. Maria Goretti Parish Priest, OPNE Director Fr. Jason Laguerta, ang pagdiriwang ng hubileyo ay tanda ng pagpapalaya, pagbabayad ng utang at pagpapahinga kung saan sa pananampalataya ay pagpapadama

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Filipino Priest, itinalagang opisyal ng Vatican

 16,315 total views

 16,315 total views Muling nagtalaga ang Kanyang Kabanalan Francisco ng isang Pilipinong pari sa isa sa mga pangunahing tanggapan sa Vatican. Nitong November 7 ay itinalaga ng santo papa si Msgr. Erwin Jose Balagapo bilang undersecretary ng Dicastery for Evangelization section “for the first evangelization and new particular churches na kanyang pinaglingkuran mula July 2023 at

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Recommit ourselves to the mission of Christ, paalala ni Bishop Uy sa mga pari

 16,202 total views

 16,202 total views Umaasa si Tagbilaran Bishop Alberto Uy na mas umigting ang pagbubuklod ng kristiyanong pamayanan sa Bohol tungo sa iisang misyon na ipalaganap si Hesus sa lipunan. Ito ang mensahe ng obispo sa pagdiriwang ng diyosesis ng ika – 83 anibersaryo ng pagkatatag. Dalangin ni Bishop uy ang patuloy na pag-usbong ng komunidad na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa National Fatima Convention

 14,150 total views

 14,150 total views Inaanyayahan ng World Apostolate of Fatima Philippines ang mananampalataya na makiisa sa National Fatima Convention on the Centenary of the Five First Saturdays Devotion sa December 10, 2024. Ayon sa WAF Philippines na pinamunuan ni Sis. Ambrocia Palanca, layunin ng pagtitipon na paalalahanan ang mga deboto sa mahalagang mensaheng iniwan ng Mahal na

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Pasalamatan ang panginoon sa gift of priesthood, paalala ng Arsobispo sa mga Pari

 13,764 total views

 13,764 total views Pinalalahanan ni Cebu Archbishop Jose Palma ang mga pari na palaging pasalamatan ang Panginoon sa biyaya ng bokasyong maging katuwang sa misyon sa sanlibutan. Ito ang mensahe ng arsobispo sa pagtitipon ng Young Clergy of Cebu Residency Program na ginanap sa St. Augustine of Hippo Parish sa Olango Island, Lapu-Lapu City, Cebu kamakailan.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top