Handa ang Simbahang Katolika na maging katuwang ng gobyerno lalu’t nahaharap ang bansa sa krisis ng pandemya.
Ito ang pahayag ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa nakikitang kakulangan ng gobyerno para tugunan ang mga pangangailangan ng mahihirap na Filipino.
Sa ulat, higit sa 11 milyong manggagawa ang nawalan ng hanap buhay dahil sa ipinatutupad ng community quarantine sa Luzon at iba pang bahagi ng Pilipinas bunsod na rin ng paglaganap ng coronavirus disease.
“Ang simbahan naman ay handang tumulong sa national government para matulungan ‘yung mga tao. Lalong lalo na ngayon na kailangan na nila ng pera para sa kanilang araw-araw na pangangailangan,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.
Ang simbahan sa pamamagitan ng Caritas Manila ay nakatulong na sa mahigit isang milyon pamilya o 6.8 milyong indibidwal matapos na makapagbahagi ng mahigit P1-B halaga ng gift certificates sa pinakamahihirap na sektor ng lipunan.
Ilang mga kongregasyon at parokya ng simbahan ang patuloy na tumutulong sa mga nangangailangang mahihirap at mga medical frontliner sa bansa.
Dagdag pa ni Bishop Pabillo, sakali mang humingi ng tulong ang gobyerno sa simbahan ay dapat ang pamahalaan ang magtakda ng panuntunan upang hindi mapulitika ang pagtulong.
“Kung gusto ng gobyerno na tumulong ang simbahan, dahil mayroon naman tayong network sa pamamagitan ng parokya at mga BEC ay handa tayo.” pahayag ni Bishop Pabillo.
- Covid-19 pandemic labanan ng pagmamahal - Monday, August 10, 2020 10:19 am
- Muling pagbuhay sa outdated na Bataan nuclear power plant, pinangangambahan - Friday, July 31, 2020 2:54 pm
- Pagpatay sa hepe ng NCMH, offense against humanity - Tuesday, July 28, 2020 11:44 am
- Pagbabalik operasyon ng ipinasarang mining firms, pinuna ng Obispo - Friday, July 24, 2020 10:30 am
- Ipalaganap ang disiplinang nakaugat sa pag-ibig sa halip na takot - Wednesday, July 15, 2020 12:26 pm
- Manindigan laban sa Anti-Terror Act of 2020, panawagan ng mamamayan sa taongbayan - Sunday, July 5, 2020 10:53 am
- Manindigan sa tinatamasang kalayaan, hamon ni Bishop Pabillo sa mga Filipino - Thursday, June 11, 2020 2:23 pm
- Tutukan ang COVID-19 pandemic at Marawi rehab sa halip na Anti-Terrorism bill-AMRSP - Thursday, June 4, 2020 11:41 am
- Renewable energy, muling isinulong dulot ng mataas na singil sa kuryente - Tuesday, May 26, 2020 10:46 am
- Kapistahan ng Tatlong Patron ng Obando, ipinagdiwang online - Wednesday, May 20, 2020 1:11 pm