Cultural

Si Hesus ang pasko, hindi bonus

Ito ang Christmas message 2019 ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, incoming Prefect of Propaganda Fide o Prefect of Vatican Congregation for the Evangelization of Peoples.

Iginiit ni Cardinal Tagle na walang Pasko kung wala si Hesus.

“Ang una sa lahat walang iba kundi si Hesus ang isinilang, walang pasko kung walang Hesus.” paalala ni Cardinal Tagle

Ayon kay Cardinal Tagle, nagkaroon ng Pasko ng isilang si Hesus ni Maria sa sabsaban.

Inihayag ni Cardinal Tagle na ang Pasko ay panahon upang higit na makilala si Hesus, ang bugtong na anak ng Diyos.

Ipinaalala ng Kardinal na ang Pasko ay magandang pagkakataon na tumutok kay Hesus, hanapin siya siya at pa siyang kilalanin.

Sinabi ni Cardinal Tagle na si Hesus ay anak ng Diyos na banal at isang hari.

Lubhang ikinalulungkot lamang ng Kardinal na hindi na si Hesus ang sentro ng Pasko kundi commercialism.

“Nasaan si Hesus? Sabi ko nga po kapag nawala si Hesus sa pasko ay nawawala rin ang tunay na kaligayahan ng pasko. Tingnan ninyo, habang si Hesus ay unti-unting napapalayo, ang nagiging sentro ng pasko ay ano ba ang aking bibilhin para maibigay sa iba.” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle

Binigyan diin ni Cardinal Tagle na nawawala ang kaligayan ng Pasko kapag nawala si Hesus.

“Nasaan si Hesus? Sabi ko nga po kapag nawala si Hesus sa pasko ay nawawala rin ang tunay na kaligayahan ng pasko. Tingnan ninyo, habang si Hesus ay unti-unting napapalayo, ang nagiging sentro ng pasko ay ano ba ang aking bibilhin para maibigay sa iba.” pahayag ni Cardinal Tagle.