CulturalLatest News

Sangguniang Laiko ng Pilipinas, ipinapanalangin ang kagalingan ni Bishop Pabillo

July 25, 2020-9:15am

Tiniyak ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pananalangin para sa mabilis na paggaling ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo matapos na magpositibo sa novel coronavirus disease.

Ayon kay Sangguniang Laiko ng Pilipinas President Rouquel Ponte, kaisa ng mga miyembrong organisasyon sa pag-aalay ng panalangin sa mabilis na paggaling ng Obispo mula sa sakit.

Tiwala naman si Ponte na nasa mabuting kalagayan at mabilis na makakabawi mula sa karamdaman si Bishop Pabillo na ayon sa kanyang isinapublikong liham ay walang anumang sintomas na nararamdanan.

“All of us in the Laiko board siguro pati yung mga member groups namin even ang Couples for Christ are offering prayers for his speedy recovery but we were assured naman in his letter that he was in good spirit and without symptoms so we are hoping that he will weather this COVID-19,” ang bahagi ng pahayag ni Ponte sa panayam sa Radio Veritas.

Una na ring humiling ng panalangin si Bishop Pabillo sa mga mananampalataya matapos na magpositibo sa COVID-19 sa isinagawang RT-PCR Test.

Ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas ay ang nagsisilbing implementing-arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity (ECLA) na binubuo ng higit sa 50-organisasyon ng simbahan sa buong bansa na kasalukuyang pinamumunuan ni Bishop Pabillo.