June 30, 2020-12:10pm
Ito ang pagpapaalala sa mga mananampalataya sa Dakilang Kapistahan nina Apostol San Pedro at San Pablo na ang simbahan mayroong matatag na pundasyon na siyang huwaran ng bawat mananamapalataya.
Ito ang bahagi ng pagninilay ni Military Bishop Oscar Jaime Florencio kaugnay sa isa sa mahalagang kapistahan ng Simbahang Katolika na ipinagdiriwang din bilang Pope’s Day.
“Ito ay nagpapaalala sa atin na yung Simbahan natin ay mayroong dalawang solid na pillar, the pillar of Paul and pillar of Peter,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Florencio sa panayam sa Radio Veritas.
Ayon sa Obispo, si San Pedro ang simbolo ng otoridad ng Simbahan na siya ring hinirang ni Hesus upang pangunahan ang 12 apostol, habang ang Santo Papa naman ang kahalili ni San Pedro na tagapangalaga ng kawan ng Diyos.
Habang si San Pablo naman ay simbolo ng pagiging guro at paglapit maging sa mga hindi nananampalataya na nangangahulugan ng pagiging bukas at mapag-aruga ng Panginoon sa lahat na walang pinipili.
“For everyone, so ito po ay nagpapaalala sa atin na ito rin may kasamang mga charism kasi si San Pablo very a charismatic leader may charismatic ibig sabihin gift, dito ay nagko-compliment ngayon ang authority na nandito si San Pedro at saka yung charism nandito kay Pablo, ito ay nagko-compliment upang itong Simbahan natin ay lumago, upang itong Simbahan natin dito na tinatawag nating Panginoong Hesukristo ay magpanatili, ay magpatuloy upang mapalaganap ng Mabuting Balita,” ayon pa sa Obispo.
Hinimok naman ni Bishop Florencio ang bawat isa na ipanalangin ang Kanyang Kabanalan Francisco na humaharap sa maraming suliranin bukod pa sa Coronavirus Disease 2019 pandemic.
Paliwanag ng Obispo, tanging ang pananalangin para sa Santo Papa ang magagawa ng bawat isa upang suportahan ang kahalili ni San Pedro sa pangangalaga sa kawan ng Diyos.
“Ipagdasal din natin ang Holy Father, marami siyang higit pa sa COVID-19 ang kanyang hinaharap ngayon. May COVID-19 na pero higit pa sa COVID-19 ang pinapasan niya, ang magagawa natin is to pray.” Ayon pa kay Bishop Florencio.
Ang Pope’s Day ay ipinagdiriwang kasabay ng Kapistahan ni San Pedro at San Pablo.
Ito ay isang tradisyunal na pagdiriwang ng Simbahan bilang pagbibigay parangal kay San Pedro na itinalaga ni Hesus bilang unang Santo Papa ng Simbahang Katolika at kauna-unahang Obispo sa Roma na itinalaga ni Hesuskristo habang si Pablo naman ang namuno sa mga apostol.
Ito rin ay na pambihirang pagkakataon upang makapagpanibago ng patuloy na pangako ng pagsunod sa Santo Papa na isang daan upang maipaabot kay Hesus ang ating patuloy na pangako ng pananampalataya at paniniwala sa mabuting salita ng Panginoon.
- Pagbabakuna ng COVID-19, isang moral obligation - Monday, January 18, 2021 4:27 pm
- Christian unity, misyon ng isasagawang “Ecumenical Bible festival”. - Sunday, January 17, 2021 10:41 am
- Karahasan laban sa mga katutubo sa Panay island, kinondena ng Visayan Bishops - Saturday, January 16, 2021 3:36 pm
- Obispo, duda sa isinusulong na CHA-CHA - Friday, January 15, 2021 2:03 pm
- Pallium mula sa Santo Papa, tinanggap ni Archbishop Baccay - Friday, January 15, 2021 10:43 am
- Pilipinong Pari, itinalaga sa Franciscan’s Justice and Peace sa Roma - Wednesday, January 13, 2021 12:27 pm
- Ituwid ang mali, tungkulin ng bawat binyagang Kristiyano - Monday, January 11, 2021 12:56 pm
- Archdiocese of Manila, nakikiusap sa mga deboto na huwag magsiksikan sa Quiapo church - Friday, January 8, 2021 11:18 am
- Obispo, nangangamba sa kaligtasan ng mga OFW sa Estados Unidos - Thursday, January 7, 2021 10:47 am
- Mamamayan, hinimok na ipanalangin ang “Change of heart” ng mga opisyal ng administrasyong Duterte - Monday, January 4, 2021 4:44 pm