Ipagdiriwang ng Parokya ng San Juan Nepomuceno sa bayan ng Alfonso sa Cavite ang ika-160 Canonical Possession o taong pagkakatatag nito bilang parokya.
Gugunitain ito sa ika-20 ng Enero, 2021 sa pamamagitan ng sama-samang pagdarasal ng Santo Rosario sa ganap na alas-7 y media ng umaga.
Susundan ito ng pagdiriwang ng banal na misa sa ganap na alas-5 ng hapon na pangungunahan ni Rev. Fr. Ariel delos Reyes.
Pagkatapos ng banal na misa, ganap na alas-6 ng gabi ay isasagawa naman ang prusisyon sa orihinal at matandang imahen ng San Juan Nepomuceno de Alfonso.
Itinatag ang parokya ng San Juan Nepomuceno noong ika-20 ng Enero, 1861, dalawang taon makaraang itatag ang bayan ng Alfonso na dati lamang pueblo ng bayan ng Indang sa Cavite.
Tuwing ika-16 ng Mayo naman ipinagdiriwang ang kapistahan ni San Juan Nepomuceno, ang patron ng pangungumpisal.
Ang Parokya ng San Juan Nepomuceno sa Alfonso, Cavite ay sakop ng Diocese ng Imus.
- Deboto ni Sr.Sto.Nino, hinamong tuldukan ang karahasan sa mga bata - Sunday, January 17, 2021 11:00 am
- CBCP, hinihikayat ang mga Filipino na magpabakuna ng COVID 19 vaccine - Saturday, January 16, 2021 1:49 pm
- Maging handa, alerto sa sakuna-Solidum - Thursday, January 14, 2021 2:23 pm
- Panalangin para sa katatagan at kaligtasan dulot ng pag-ulan, hiling ng obispo ng Borongan - Wednesday, January 13, 2021 2:02 pm
- Pagsasariwa sa ‘bayanihan’ ng mga Filipino, ginunita sa anibersaryo ng pagsabog ng Taal - Wednesday, January 13, 2021 12:40 pm
- San Juan Nepomuceno parish, magdiriwang ng ika-160 Canonical possession - Monday, January 11, 2021 4:05 pm
- Poong Nazareno, bumisita sa Parokya ng Sto. Niño de Taguig - Thursday, January 7, 2021 10:38 am
- Hindi tumatalikod ang Diyos, higit sa panahon ng pagsubok - Thursday, January 7, 2021 9:41 am
- Pagdalaw ng replica ng Poong Hesus Nazareno sa Cavite, nagpasigla sa mga deboto - Tuesday, January 5, 2021 10:31 am
- Total ban ng paputok, makakabuti sa kalikasan - Saturday, January 2, 2021 12:44 pm