Hilingin sa Panginoon ang grasya ng pagiging bukas ng isipan at kalooban.

Ito ang bahagi ng pagninilay ni Daet Bishop Rex Andrew Alarcon, Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Youth sa pagdiriwang ng misa para sa Kapistahan ng Mahal na Ina ng Peñafrancia.

Ayon kay Bishop Alarcon, may mga pagkakataon na ang pakikinig sa kapwa ay hindi upang maintindihan ang kanilang mga ibinabahagi, kundi minsan ay upang maipagtanggol lamang ang sariling pananampalataya at paniniwala.

Paliwanag ng Obispo hindi katanggap-tanggap ang pakikinig lamang upang makipagtalo at mapatunayang ikaw ang tama at upang mapahiya ang ating kapwa.

“When we listen to others, it is not because we would like to understand. Sometimes, we listen to defend; we listen to debate; we listen to prove that we are correct; we listen to prove that the other is wrong. We engaged to show or to embarrassed the other,” ang bahagi ng pagninilay ni Bishop Alarcon.

Hinikayat naman ng Obispo ang mga mananampalataya na hilingin sa Panginoon ang grasya ng pagiging bukas ang isipan maging ang kalooban upang magkaroon ng maayos at matiwasay na pakikipagdiyalogo sa kapwa tao.

Binigyang diin rin ni Bishop Alarcon na ang pagnanais na magkaroon ng bukas na isipan at kalooban ay nangangailangan ng paggalang sa sarili lalung-lalo na sa kapwa.

“But, dear brothers & sisters, in our desire to foster dialogue with each other, so that we may arrive at harmony, let us ask for the grace of openness; and that requires respect. Respect. Igagalang ko siya. it demands that we recognize, may mabuting sasabihin din ito. “, ayon sa Obispo.

Iniugnay din ng Obispo ang kanyang naging pagninilay sa pakikipag-diyalogo sa iba’t ibang relihiyon na hango sa Year of Ecumenism, Inter-religious Dialogue and Indigenous Peoples na bahagi ng patuloy na paghahanda ng Simbahan para sa ika-500 taon ng Kristyanismo sa Pilipinas na ipagdiriwang sa susunod na taon.