Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Reflect, Pray and Act

SHARE THE TRUTH

 5,006 total views

TAGALOG VERSION: 

Mga minamahal na kapatid sa Arkidiyosesis ng Manila,

Mula ika-12 hanggang ika-17 ng Agosto dumalo ako sa pulongng Caritas Latin America na ginanap sa El Salvador, isangbansang nakaranas ng guerra sivil at maraming namatay. Hanggang ngayon hinaharap pa rin nila ang mga grupongarmado.

Sa El Salvador ko nabalitaan ang pagtaas ng bilang ng mga napapatay sa Pilipinas sanhi ng pinaigting na paglaban sa ilegal na droga. Inaanyayahan ko kayo na magnilay, manalanginat kumilos.

Una, sumasang-ayon ang lahat ng Pilipino na totoo at nakapipinsalang problema ang ilegal na droga. Kung kaya’t kailangan natin itong harapin nang sama-sama, bilang iisang bayan.

Sa kasawiang palad, ito ang naghahati sa atin. Masalimuot ang problemang ito, kaya walang tao, grupo o institusyon na makapagsasabing siya lamang ang may tamang sagot. Kailangan natin ang isa’t isa. Hindi natin maisasantabi ang bawa’t isa.

Inaanyayahan natin ang mga pamilya, ahensiya ng pambansang pamahalaan, mga local na pamahalaan, mga organisasyong panlipunan, mga paaralan, mga sambayanang pang-relihiyon, ang mga doktor, mga pulis at militar, mga dating adik na gumaling na at iba pang grupo na magsama-sama, makinig sa bawa’t isa at humanap ng nagkakaisang landasin.

Hindi natin dapat tingnan ang problema ng ilegal na droga bilang usaping politika o kriminal lamang. Ito ay usaping pang-tao na sangkot ang lahat tayong mga tao.

Handa ang Arkidiyosesis ng Manila na pangunahan ang isang dialogo ng iba-ibang sektor na may kinalaman sa usaping ito.

Mayroong mga mabubuting kawani ng pamahalaan, ng kapulisan at militar na nakikipagtulungan sa amin at ito ay nakapagpapalakas ng loob.

Ikalawa, para maunawaan pang higit ang sitwasyon, hindi sasapat ang mga estadistika o numero lamang. Kailangan natin ng mga kuwento ng tao.

Hayaan nating magkuwento ang mga pamilyang may miyembro na sinira ng droga. Hayaan nating magkuwento ang mga pamilyang may miyembro na pinatay sa kampanya laban sa droga, lalo na yaong mga inosente.

Hayaan nating magkuwento ang mga dating adik na nagbagong buhay na. Hayaan nating maisalaysay ang kanilang mga kuwento. Makikita ang kanilang mga mukha.

Kumakatok tayo sa konsiyensa ng mga gumagawa at nagtitinda ng ilegal na droga: itigil na ninyo ang gawaing ito.

Kumakatok tayo sa konsiyensiya ng mga pumapatay kahit ng walang kalaban-laban, lalo na ang mga nagtataklob ng mga mukha: huwag ninyong sayangin ang buhay ng tao. Alalahanin natin ang wika ng Dios kay Cain pagtapos niyang paslangin ang kapatid niyang si Abel, “Sumisigaw sa akin mula sa lupa ang dugo ng iyong kapatid”
(Genesis 4:10).

Ang may sugatang puso at nabagabag na konsiyensiya ay maaring lumapit sa inyong mga pari, ibahagi ang inyong mga kuwento at kami na ang iipunin ang inyong kuwento para maibahagi sa mas malawak na lipunan.

Tinatawagan ko ang mga parokya sa Arkidiyosesis ng Manila na ilaan ang siyam na araw mula ika-21 ng Agosto (kapistahan niSan Papa Pio X) hanggang ika-29 ng Agosto (ang pagpatay kay San Juan Bautista) sa pag-aalay ng panalangin sa lahat ng misa para sa kapayapaan ng mga namatay sa kampanya laban sa droga, para sa katatagan ng kanilang pamilya, para sa pananatiling masigasig ng mga nagbagong-buhay na at para sa pagbabalik-loob ng mga pumapatay.

Panghuli, “daigin natin ng mabuti ang masama” (Roma 12:24). Iligtas natin ang buhay ng mga taong madaling mahikayat sa adiksiyon: mga kabataan, ang dukha at walang trabaho.

Walang maaabot ang mga salita ng pagdamay kung hindi sasabayan ng mga luha at gawa ng pagdamay.

Tinatawagan ko ang mga parokya at bikaryato na magtalaga muli ng sarili sa programa ng Arkidiyosesis ng Manila para makatulong sa pagbabagong-buhay ng mga nalululong sa ilegal na droga.

Ang tawag sa programa ay Sanlakbay, at katuwang natin ang pamahalaang lokal at kapulisan.

Hinihimok ko ang mga BEC o munting Sambayanang Kristiyano at iba pang organisasyon ng mga layko na makipagtulungan sa ating mga katuwang para mapanglagaan ang ating mga kapit-bahayan at kapaligiran.

Pagpalain nawa kayo at ingatan ng Dios! Nawa’y kabahagan Ka kayo at subaybayan! Lingapin nawa Niya kayo at bigyan ng kapayapaan! (Bilang 6:24-26)

ENGLISH VERSION :

Dear Brothers and Sisters in the Archdiocese of Manila,

On August 12-17, 2017, I participated in the meeting of Caritas Latin America held in El Salvador, a country where many people had been killed in a civil war. Until now it still contends with armed groups. In El Salvador, I heard news of the increase of killings in our own country due to an intensified war against illegal drugs. I am inviting you to reflect, pray and act.

First, all Filipinos agree that the menace of illegal drugs is real and destructive. We must face and act upon together, as one people. Unfortunately, it has divided us. Given the complexity of the issues, no single individual, group or institution could claim to have the only right response. We need one another. We cannot disregard each other. Let us invite families, national government agencies, local government units, people’s organizations, schools, faith-based communities, the medical profession, the police and military, recovering addicts etc. to come together, listen to each other and chart a common path. The illegal drug problem should not be reduced to a political or criminal issue. It is a humanitarian concern that affects all of us. The Archdiocese of Manila would be willing to host such multi-sectoral dialogue. To date we have been encouraged by our partnership with some good government servants, police and military personnel.

Secondly, to understand the situation better, we need not only statistics but also human stories. Families with members who have been destroyed by illegal drugs must tell their stories. Families with members who have been killed in the drug-war, especially the innocent ones, must be allowed to tell their stories. Drug addicts who have recovered must tell their stories of hope. Let their stories be told, let their human faces be revealed. We knock on the consciences of those manufacturing and selling illegal drugs to stop this activity. We knock on the consciences of those who kill even the helpless, especially those who cover their faces with bonnets, to stop wasting human lives. Recall the words of God to Cain who killed his brother Abel, “Your brother’s blood cries out to me from the soil” (Genesis 4:10). Those with sorrowful hearts and awakened consciences may come to your pastors to tell your stories and we will document them for the wider society. I call on all the parishes in the Archdiocese of Manila to mark the nine days from August 21 (Memorial of St. Pope Pius X) to August 29 (Beheading of St. John the Baptist) as time to offer prayers at all masses for the repose of those who have died in this war, for the strength of their families, for the perseverance of those recovering from addiction and the conversion of killers.

Finally, let us conquer evil with good (Romans 12:21). Let us save the lives of people most vulnerable to drug dependency: the youth, the poor and unemployed. Words of solidarity without tears and acts of compassion are cheap. I enjoin our parishes and vicariates to commit again to the parish-based drug rehabilitation program of the Archdiocese of Manila called Sanlakbay in partnership with the local government and police. I ask the Basic Ecclesial Communities and other organizations of the lay faithful to care for our neighborhoods in coordination with our partners.

“May the Lord bless you and keep you! May the Lord let His face shine upon you and be gracious to you! May the Lord look upon you kindly and grant you peace!” (Numbers 6:24-26)

+ Luis Antonio G. Cardinal Tagle
Arsobispo ng Manila
19 Agosto 2017

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Truth Vs Power

 33,745 total views

 33,745 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter. Noon, sa kabila ng kasinungalingan…anuman ang sasabihin ng dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte ay katotohanan…hinahangaan natin siya na mga botanteng Pilipino…sinusunod natin anuman ang kanyang utos. Sinasabi nga ng News

Read More »

Heat Wave

 43,080 total views

 43,080 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng nagbabagong klima sa lahat ng panig ng mundo? Ang mainit na panahon na ating kagagawan dahil sa walang habas na pagsira sa kalikasan. Paulit-ulit na ipinapaalala sa ating mananampalataya ng

Read More »

Aangat ang kababaihan sa Bagong Pilipinas?

 55,190 total views

 55,190 total views Mga Kapanalig, “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas!”  Ito ang tema sa paggunita natin ng National Women’s Month sa taóng ito. Sinasalamin nito ang hangarin ng kasalukuyang administrasyon na matamasa ng kababaihan ang kanilang mga karapatan, na ang mga oportunidad na ibinibigay sa mga lalaki ay nakakamit din

Read More »

Plastik at eleksyon

 72,278 total views

 72,278 total views Mga Kapanalig, mala-fiesta na ba sa inyong lugar sa dami ng mga nakasabit na tarpaulins at posters ng mga kandidato? Asahan ninyong darami pa ang mga iyan pagsapit ng opisyal na simula ng kampanya para sa mga tumatakbo sa lokal na posisyon. Sa March 28 pa ito, pero wala pa nga ang araw

Read More »

Sasakay ka ba sa mga resulta ng surveys?

 93,305 total views

 93,305 total views Mga Kapanalig, nagsusulputang parang kabute, lalo na sa social media, ang iba’t ibang surveys na nagpapakita ng ranking ng mga kandidato sa paparating na eleksyon. Sinu-sino nga ba ang nangunguna? Sinu-sino ang malaki ang tsansang manalo kung gagawin ngayon ang halalan? Sinu-sino ang tila tagilid at kailangan pang magpakilala sa mga botante? Bahagi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

CBCP
Veritas Team

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 23,421 total views

 23,421 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang Hubileo na may temang “PEREGRINO NG PAGASA”. Español ang salitang peregrino, kaya hindi ako kuntento sa salin na “manlalakbay.” Maraming klase ng manlalakbay depende sa layunin ng paglalakbay. Merong ang

Read More »
Pastoral Letter
Veritas Team

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 52,698 total views

 52,698 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi. Ito po ay galing kay propeta Malakias sa Biblia: “Narito pa ang isang bagay na inyong ginagawa. Dinidilig ninyo ng luha ang dambana ni Yahweh; nananangis kayo’t nananambitan sapagkat ayaw

Read More »
Pastoral Letter
Veritas Team

Liham Pastoral tungkol sa Digmaan sa Gaza

 68,354 total views

 68,354 total views “Ang nakapinsala sa kapwa ay pipinsalain din, tulad ng kanyang ginawa. Baling buto sa baling buto, mata sa mata, ngipin sa ngipin. Kung ano ang ginawa niya gayundin ang gagawin sa kanya.” (Levitiko 24:19-20) Mga mahal kong Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Sumusulat ako sa inyo tungkol sa isang mabigat na nangyayari sa

Read More »
Pastoral Letter
Veritas Team

Sulat Pastoral sa Paglulunsad ng Diocesan Synodal Pastoral Planning (DSPP) sa Diocese of Kalookan

 155,632 total views

 155,632 total views Minamahal kong Bayan ng Diyos, maligayang kapistahan po ng Kristong Hari sa inyong lahat! May dalawang bahagi ang sulat pastoral na ito. Ang una ay pagninilay sa ating ebanghelyo ngayon, Mateo 25: 31-46. At ang pangalawa ay pagninilay naman sa ebanghelyong pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating Diocesan Synodal Pastoral Planning (DSPP),

Read More »
Pastoral Letter
Veritas Team

Liham Pastoral Pagkatapos ng Halalan

 154,490 total views

 154,490 total views “Ang Panginoon ay papurihan, at huwag mong kaliligtaan, mabubuti niyang gawa” (Awit 103:2) Mga minamahal kong bayan ng Diyos sa Bikaryato ng Taytay, Katatapos lang ng halalan. Iba’t iba ang damdamin na naglalaro sa puso natin. Huwag tayong magpadala sa mga damdamin o mga sulsol na magpapabigat ng ating puso. Sa halip na

Read More »
CBCP
Veritas Team

‘Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng kapwa’ (cf. Filipos 2:4)

 148,643 total views

 148,643 total views Mga Kapatid, Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa pansariling layunin o pagyayabang; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili. Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili.Filipos 2:3-4 Sa mga salita ng Apostol San Pablo, bumabati at nanawagan kaming

Read More »
Circular Letter
Veritas Team

Statement of the Archdiocese of Manila against the Anti-Terrorism Act of 2020

 156,423 total views

 156,422 total views Statement of the Archdiocese of Manila against the Anti-Terrorism Act of 2020 “There are six things that the Lord hates, seven that are an abomination to him: haughty eyes, a lying tongue, and hands that shed innocent blood, a heart that devises wicked plans, feet that make haste to run to evil, a

Read More »
Cultural
Veritas Team

To make our religious activities safer from the spread of the virus Protocol for religious services in the Archdiocese of Manila

 5,388 total views

 5,388 total views To make our religious activities safer from the spread of the virus Protocol for religious services in the Archdiocese of Manila Note: These guidelines are given due to our extraordinary situation. They are therefore temporary in nature. Furthermore, the situation is so fluid that we foresee that there will be other guidelines that

Read More »
Cultural
Veritas Team

Pastoral Instruction: Let us be one with the whole Church

 5,345 total views

 5,345 total views Pastoral Instruction: Let us be one with the whole Church My dear People of God in the Archdiocese of Manila, As we strive to be personally connected with God, let us also be connected with each other in and through the Church as the Body of Christ. Let us join then in the

Read More »
Latest News
Veritas Team

Special Day of Prayer for Medical Frontliners

 5,346 total views

 5,346 total views Circular No. 20-18 TO ALL THE BISHOPS AND THE DIOCESAN ADMINISTRATORS Your Eminences, Your Excellencies and Reverend Administrators: RE: A CALL AND INVITATION TO A SPECIAL DAY OF PRAYER FOR OUR FRONTLINE MEDICAL PERSONNEL IN THIS TIME OF CRISIS Although I am quite sure that many of us, if not all, have been

Read More »
Latest News
Veritas Team

Sa TV at Radyo makibahagi sa banal na misa.

 5,334 total views

 5,334 total views Hinikayat ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang mananampalataya na makibahagi sa banal na misa sa pamamagitan ng telebisyon at radyo bilang pag-iingat sa lumalaganap na COVID-19. Sa pastoral letter na inilabas ni Bishop Pabillo, hinikayat nito ang mga mananampalataya lalo na ang mga nakakaranas ng sintomas ng sakit na

Read More »

Executive Order sa pagpapatayo ng nuclear power plant, tinuligsa ng Simbahan.

 9,288 total views

 9,288 total views March 4, 2020 2:18PM Ikinababahala ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, vice-chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Commission on Social Action Justice and Peace (ECSA-JP) ang draft Executive Order ni Department of Energy Secretary Alfonso Cusi na kabilang ang nuclear power sa isusulong ng pamahalaan na pagkukunan ng enerhiya sa bansa.

Read More »
Pastoral Letter
Veritas Team

PASTORAL LETTER On the Safety and Security of our Churches and special attention to Heritage Churches in the Archdiocese of Caceres

 5,000 total views

 5,000 total views Addressed to the Parish Priests, Heads of Institutions in Caceres and the Clergy of the Archdiocese of Caceres. Our Dear Parish Priests, Institution Heads and the Clergy, Peace of the Risen Christ! Just a few days after our solemn celebration of the Lord’s Resurrection or Easter Sunday, we were shocked and angered by

Read More »
Cultural
Veritas Team

Santuario de San Antonio Parish Statement regarding their new wedding regulations

 5,349 total views

 5,349 total views Pax et bonum: We again sincerely apologize for the dismay caused by the presentation of the proposed new regulations governing weddings at Santuario de San Antonio Parish (SSAP). We would like to reiterate that those regulations are still a work in progress as communicated during the Wedding Congress. The new regulations were meant

Read More »
Pastoral Letter
Veritas Team

PASTORAL LETTER REGARDING POWER PLANTS IN BATAAN

 4,805 total views

 4,805 total views Magmula noong December 8, 2015 hanggang December 8, 2016, sa utos ni Papa Francisco, ipinagdiwang natin ang Dakilang Hubileo na tinawag nating “TAON NG AWA.” Sa kalatas na Misericordiae Vultus (Bull of Indiction of the Extra Ordinary Jubilee of Mercy), binigyan diin ng Papa ang dakilang larawan ng Diyos Ama bilang isang mahabagin.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top