Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Prayer power

SHARE THE TRUTH

 189 total views

Labis ang pasasalamat ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa mananampalatayang dumalo at nakiisa sa solidarity mass na ginanap sa Immaculate Conception Cathedral nitong ika – 27 ng Hulyo.

Ayon sa Obispo ito ay nagbigay ng sapat na lakas ng loob at tapang na harapin ang anumang pagsubok na pinagdadaanan ng tao dahil sa pag-ibig ng Diyos na ipinadama sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga mananampalataya.

“We see the power of prayer which an expression of deep love, kapag tao ay nagdarasal nagkakaroon ng lakas, talagang lakas ng Diyos, doon ka huhugot ng kailangan mong harapin anuman ang krisis na dapat mong harapin sa buhay,” pahayag ni Bishop Ongtioco sa panayam ng Radio Veritas.

Sinabi pa ni Bishop Ongtioco na pananalangin ay isinusuko sa Diyos ang lahat ng mga pinagdadaraanan at nagpapasailalim sa kalooban ng Diyos.

Ang solidarity mass ay inisyatibo ng pari ng diyosesis bilang pagpakita ng suporta sa kanilang pinunong pastol na kabilang sa 35 indibidwal na sinampahan ng kasong sedition na iniugnay sa pagkalat ng videong ‘Ang Totoong Narcolist’ ni Peter Joemel ‘Bikoy’ Advincula.

Sa homiliya ni Fr. Steve Zabala, ang Vicar General ng diyosesis iginiit nito na hindi kailanman gawain ng kanilang Obispo ang paninira ng mga tao at higit sa lahat ang paninira sa pamahalaan subalit isa itong taong nagpapastol sa milyong mananampalataya na iniatang sa kanyang pangangalaga.

“The passion of Bishop Nes is the passion of the Good Shepherd – caring for the flock, gathering them safely in God’s embrace, feeding them with God’s Word, and protecting with God’s providence,” bahagi ng pagninilay ni Fr. Zabala.

Patuloy ipinagdadasal ng mamamayan ang ikatatagumpay ng pamahalaan at umaasang nawa’y pairalin ng mga namamahala ang katarungan, pagkakapantay-pantay at higit sa lahat ang katotohanan kasabay ng pagtiyak ng buong sambayanan kay Bishop Ongtioco ng kanilang buong suporta.

“Bishop Nes we gather here today to show you our support, we are here to stand with you.”

Binigyang diin naman ni Bishop Ongtioco na sa tulong ng Banal na Espiritu at ng buong sambayanan ay iiral ang katotohanan sa lipunan kaya’t hinimok ang bawat isa na ipanalangin ang katotohanan sa pagiging mga anak ng Diyos at muling iginiit ang pagsusulong ng kapayapaan at pagkakaisa sa pamayanan.

“I am a man of peace and I always be a man of peace,” giit ni Bishop Ongtioco sa Radio Veritas.

Bukod sa diyosesis ng Cubao ay sabay ding ginawa ang solidarity mass para kay Bishop Ongtioco sa Diyosesis ng Bataan sa pangunguna ni Bishop Ruperto Santos bilang dating nanilbihan si Bishop Ongtioco sa Bataan bago italagang Obispo ng Cubao noong 2003.

ads
2
3
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Iba’t ibang paraan ng pabahay

 27,978 total views

 27,978 total views Mga Kapanalig, sa isang pahayag noong 1988 ng Pontifical Commission Justice and Peace, may ganitong paalala ang ating Simbahan: “Any person or family that, without any direct fault on his or her own, does not have suitable housing is the victim of an injustice.” Totoo pa rin ito hanggang ngayon. Marami pa ring

Read More »

Dugo sa kamay ng mga pulis

 34,202 total views

 34,202 total views Mga Kapanalig, may pagkakataon pa raw si PNP Lieutenant Coronel Jovie Espenido na bigyang-katarungan ang mga biktima ng madugong giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Iyan ang paniniwala ni Fr Flavie Villanueva, SVD, kung isisiwalat ng kontrobersyal na pulis ang lahat ng maling ginawa niya bilang pagsunod sa kagustuhan

Read More »

“Same pattern” kapag may kalamidad

 42,895 total views

 42,895 total views Mga Kapanalig, ulan at baha ang sumalubong sa atin sa pagpasok ng buwan ng Setyembre. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, labinlimang kababayan natin ang iniwang patay ng Bagyong Enteng. Marami sa kanila ay namatay sa landslide o nalunod sa rumaragasang baha. Hindi bababà sa 20 ang patuloy pa ring hinahanap. Tinahak

Read More »

Moral conscience

 57,663 total views

 57,663 total views Kapanalig, sa nararanasan at nasasaksihan nating pangyayari sa ating kapwa, sa komunidad, satrabaho, sa pamamalakad ng gobyerno…umiiral pa ba ang “moral conscience”? Sa ginagawang “budget watch” o corruption free Philippines advocacy ng Radio Veritas ay napatunayan na ang salitang “moral conscience” sa mga kawani, opisyal ng pamahalaan at mga halal na representante nating

Read More »

Pagpa-parking/budget insertions

 64,784 total views

 64,784 total views Kapanalig, sa “laymans term” ang pagpa-parking ay pag-iiwan ng sasakyan pansamantala sa isang parking space o tinatawag sa mga mall at business establishments na pay parking area. Ang pagpa-parking ay natutunan na rin ng mga mambabatas mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso at Mataas na Kapulungan ng Kongreso (Senado). Sa ating mga ordinaryong

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top