Hinihikayat ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang mga parokya sa buong bansa na dasalin ang panalangin para sa 2022 National and Local elections.

Ang panalangin para sa halalan ay hango mula sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) o ang ‘The Prayer for 2022 Elections’ kung saan binibigyang diin ang 16 na katangian na sinasaad ng preambulo ng Saligang Batas.

Sa inilabas na circular ni CBCP president, Davao Archbishop Romulo Valles, ang panalangin ay ilulunsad sa unang Linggo ng adbiyento sa November 28.

Hiling ng CBCP na usalin ang panalangin para sa halalan sa bawat misa sa araw ng Linggo hanggang matapos ang halalan tuwing matapos ang post-communion.