Tiwala ang Kanyang Kabanalan Francisco na mas mapaigting pa ng simbahan sa Pilipinas ang pagtugon at paglingap sa pangangailangan ng mananampalataya sa kabila ng banta ng coronavirus pandemic.
Ito ang mensahe ng Santo Papa na ibinahagi ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown sa isinasagawang bi-annual plenary assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines nitong Enero 26 hanggang 27.
“Pope Francis trusts that, amid the challenges of the global health crisis, your deliberations will lead to the more creative expressions of evangelical charity,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis sa mga obispo.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na isinagawa ng CBCP ang online plenary assembly kasunod ng pagpapatupad pa rin ng mga restictions ng pamahalaan alinsunod sa community quarantine bunsod ng pandemya.
Umaasa ang Santo Papa na maging tahanan ang simbahan para sa mga nananamlay ang pananampalataya at pinanghinaan dahil sa mga hamong kinakaharap.
“Thus, enable the Church in the Philippines to be recognized as ‘a home with open doors,’ offering hope and strength to the suffering and to all who seek a more humane and dignified life,” dagdag pa ng Santo Papa.
Batay sa tala ng Dominus Est dumalo sa unang araw ng pagpupulong ang 81 aktibong obispo at arsobispo sa bansa, 10 retiradong obispo, 2 tagapangasiwa, Cardinal Gaudencio Rosales at Cardinal Jose Advincula at si Archbishop Brown mula sa Apostolic Nunciature.
Patuloy na ipinapanalangin ni Pope Francis ang mga pastol ng simbahan sa Pilipinas sa tulong at gabay ng Mahal na Birhen at tiniyak ang pakikiisa sa mga gawain lalo na ngayong ipagdiriwang ng bansa ang ikalimang sentenaryo ng Kristiiyanismo.
- Pagkakaisa ng mamamayan sa Iraq, kahilingan ng Santo Papa - Thursday, March 4, 2021 10:07 am
- Dayalogo, mungkahi ni Pope Francis sa mga lider ng Myanmar - Thursday, March 4, 2021 9:41 am
- Caritas in Action ng Radio Veritas, bukas pusong pagtulong sa mga dukha - Tuesday, March 2, 2021 12:07 pm
- Empower women-Obispo - Monday, March 1, 2021 12:21 pm
- Mensahe ng opisyal ng Vatican sa ika-14 na World Rare Disease day - Monday, March 1, 2021 10:57 am
- Simbahan, nanawagan sa taumbayan na suportahan ang Alay Kapwa program - Saturday, February 27, 2021 10:46 am
- Pamunuan ng Quiapo church, binati ng opisyal ng Vatican - Friday, February 26, 2021 8:49 am
- Isakatuparan ang diwa ng pagkakaisa ng EDSA - Thursday, February 25, 2021 2:05 pm
- Quiapo church media, kabilang sa top influencer media channel - Wednesday, February 24, 2021 12:17 pm
- Cardinal Tagle, itinalagang administrator of the Patrimony of the Apostolic See ni Pope Francis - Tuesday, February 23, 2021 11:19 am