Ikinagagalak ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang pagkakataon na maging bahagi ng malaking pagdiriwang ng bansa-ang ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas.
Ayon kay Archbishop Brown, isang karangalan ang maging bahagi sa pagdiriwang ng pananampalatayang taglay ng mga Filipino.
Si Archbishop Brown ay dumating sa bansa noong Nobyembre ng nakalipas na taon.
“Again, I was just blown away by the faith of the people. Such a devout deeply religious people which was for me a great joy to see because as all of all of you know in many parts of the world Catholic faith maybe is being practice less intensely than it once was. But, here in the Philippines when you go to places like the Black Nazarene. it’s still really deeply felt here and that’s beautiful,”pahayag ni Archbishop Brown sa Pastoral Visit on-the-air sa Radio Veritas.
Kabilang din sa naging karanasan ni Archbishop Brown ang pagdiriwang ng Simbang Gabi na tradisyon ng mga Filipino bilang paghahanda sa araw ng Pagsilang ni Hesus.
Linggo ika-10 ng Enero nang bumisita rin ang Papal Nuncio sa Quiapo church at nasaksihan nito ang debosyon ng mga Filipino sa Poong Hesus Nazareno.
Sa nalalapit na pagdiriwang ng ika-5 sentenaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas kabilang din si Archbishop Brown sa gaganaping paggunita ng unang pagbibinyag sa Pilipinas sa Cebu.
Bago italaga sa Pilipinas, ang Arsobispo na tubong New York, USA ay unang naging kinatawan ng Vatican sa Ireland at sa Albania.
“It comes as a super pleasant surprise. The Philippines obviously an incredibly important Catholic country with such a wonderful history and great worldwide influence as all of your listeners know the Philippines is the third largest Catholic country in the world after Brazil and Mexico,” ayon kay Archbishop Brown.
Si Archbishop Brown ang humalili kay Italian Archbishop Gabriele Giordano Caccia na itinalaga namang kinatawan ng Vatican sa United Nations sa New York.
- Taumbayan, tutol sa pagtalakay ng Kongreso sa Cha-Cha - Tuesday, January 19, 2021 2:19 pm
- Term extension, motibo ng Cha-Cha - Tuesday, January 19, 2021 1:21 pm
- Higit pang paglago ng debosyon sa Poong Nazareno - Wednesday, January 13, 2021 11:35 am
- Papal Nuncio, humanga sa masidhing pananampalataya ng mga Filipino - Monday, January 11, 2021 1:24 pm
- Kahit walang Traslacion, hindi nababawasan ang biyaya ng Panginoon - Saturday, January 9, 2021 12:10 pm
- Huwag matakot, kasama natin si Hesus – Bishop Pabillo - Saturday, January 9, 2021 9:17 am
- Traslacion ng Poong Hesus Nazareno, sabay-sabay na ipagdiriwang sa iba’t ibang panig ng bansa - Wednesday, January 6, 2021 12:35 pm
- Toll holiday sa kahabaan ng NLEX, giit ng mambabatas - Wednesday, December 9, 2020 2:27 pm
- Mga Misyonero, kinilala ng Simbahan - Wednesday, December 2, 2020 11:13 am
- Jubilee churches, itinalaga ng Diocese ng Kidapawan - Wednesday, December 2, 2020 10:55 am