Ito ang binigyang diin ni Balanga Bishop Ruperto Santos hinggil sa mga pahayag ng pangulo laban sa mga Obispo, Pari at iba pang kritiko ng administrasyon.
Ayon sa Obispo, hindi nakatutuwa ang mga pahayag ng pangulo na nagsusulong ng karahasan sa lipunan dahil sa paghimok sa mamamayan na pumatay.
“His presidency is disappointment to us, and disgraced to country. The advice just promotes criminality, encourages lawlessness,” pahayag ng Obispo sa Radio Veritas.
Iginiit ng pinuno ng Commission on Migrants and Itinerant People ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na ang pagsusulong ng pangulo sa pagpaslang ay isang imoral na uri ng pamamahala sa bayan.
Magugunitang sa talumpati ng Pangulong Duterte noong ika – 10 ng Enero sa Masbate, hinikayat nito ang mga tambay na holdapin at paslangin ang mga Pari at Obispo at noong Diyembre ay hinimok ang publiko na paslangin ang mga Obispo dahil wala itong pakinabang sa lipunan.
Ang patuloy na pagbatikos ng pangulo laban sa mga lingkod ng Simbahang Katolika ay sanhi ng pagpuna ng mga Pari, Obispo at mga Relihiyoso sa mga maling polisiya ng pamahlaan tulad ng malawakang kampanya kontra droga na ikinasawi ng mahigit dalawampung libong indibidwal.
Dahil ditto, nanindigan si Bishop Santos na nararapat punahin ang pangulo at wakasan ang pagsusulong ng karahasan sa pamayanan sa halip ay itaguyod ang pagkakaisa ng mga nasasakupan.
“We totally speak, stand against it. We reject and condemn what he says,” ani ng Obispo.
Umaasa ang Obispo na kumilos ang mga taong malalapit sa pangulo at payuhan upang maiwasto ang mga ipinahahayag nito sa publiko lalo’t tinitingala ito ng mga kabataan bilang lider ng Pilipinas.
Inihayag ng Obispo na nagdudulot ng pagkakahati-hati, pagkamuhi at takot ang kasalukuyang ginagawa ng pangulo at maghahatid ng maling katuruan sa mga kabataan.
“It is high time that those who are closed to him must correct him, advise him of good manners because his words instills hatred and creates division and torments fear,” dagdag ni Bishop Santos.
Pinayuhan ni Bishop Santos ang pangulong Duterte na ipahayag ang katotohanan para sa pag-unlad ng bayan at pagkatao ng mga Filipino nang may paggalang sa dignidad at karapatan ng bawat mamamayan.
- AVOSA, nagpapasalamat sa mga nakiisa sa anti-COVID 19 vaccination program - Friday, January 22, 2021 12:28 pm
- Obispo ng Pilipinas kay US President Biden; Isulong ang kahalagahan ng buhay - Friday, January 22, 2021 11:27 am
- Perjury case laban kay Alyas Bikoy, nararapat-Bishop Bacani - Thursday, January 21, 2021 2:01 pm
- Bishop-emeritus Sorra, pumanaw na - Thursday, January 21, 2021 10:05 am
- Pope Francis, suportado ang mga programa ng AMRSP - Wednesday, January 20, 2021 4:29 pm
- Pamamahagi ng lupa sa magtatapos ng Agriculture courses, suportado ng Simbahan - Wednesday, January 20, 2021 3:32 pm
- ‘Online Bible Festival’, gaganapin sa Bible Month-ECBA - Tuesday, January 19, 2021 2:46 pm
- Nova Villa, ginawaran ng pinakamataas na pagkilala ng Vatican - Friday, January 15, 2021 11:21 am
- Virtual masses, isasagawa para sa pista ng Santo Niño sa Cebu - Thursday, January 14, 2021 2:10 pm
- Pamahalaan at simbahan, magkatuwang sa pagsusulong ng urban gardening - Wednesday, January 13, 2021 11:47 am