Cultural

Pangulo ng CBCP, hinimok ang taga Luzon at Visayas na makiisa sa mga naapektuhan ng lindol sa Mindanao

Hinimok ng CBCP ang mamamayan mula luzon at visayas na magkaisa at tulungan ang mga na apektuhan ng malakas na paglindol sa mindanao.

Ito ang panawagan ng Pangulo ng CBCP na mula sa Mindanao si Davao Abp. Romulo Valles.

“May people who are from the outside [Mindanao Region], reach out to the suffering communities and give them aid according to what they need.” Pahayag ni Abp. Valles sa Radyo Veritas.

Hinikayat naman ni Abp. Valles ang mga mamamayan ng Mindanao na magpakatatag at kalingain din ang kanilang kapwa na apektado ng sakuna.

Naniniwala ang Arsobispo na sa tulong at gabay ng Panginoon ay malalagpasan ng mamamayan ng Mindanao ang pagsubok dulot ng sakuna

Pinangunahan din ni Abp. Valles ang pananalangin sa Panginoon para sa mga naapektuhan ng magnitude 6.3 na lindol sa Mindanao.

“Almighty Lord, source of comfort and strength in this time great difficulty and sorrow for many people and many communities in the area at Mindanao, that was hit by the earthquake. Please, in your own mysterious way, touch them and be there for them. Strengthen their faith in you and strengthen their trust in one another being united and taking care of each other.” Bahagi ng panalangin ng Arsobispo.

Humingi din ng tulong at patnubay si Abp. Valles sa mahal na Birheng Maria upang samahan ang mamamayan ng Mindanao sa kanilang muling pagbangon.

Personal na nakibahagi si Abp. Valles sa ginanap na Pista ng Misyon sa Cuneta Astrodome pasay, City bilang tugon sa Extraordinary Missionary Month na idineklara ni Pope Francis.

Tampok sa pagdiriwang ang imahe ng Nuestra Señora Dela Rosa na nagsilbing tanglaw ng 8,300 mga delegado mula sa iba’t-ibang Diyosesis at institusyon ng simbahan.