politics

Panawagang suspensyon sa proklamasyon ng nanalong national candidates, inako ng Pari.

Inaako ni Rev. Fr. Edwin Gariguez ang unang pahayag at panawagan na suspensyon sa proklamasyon ng mga senador sa nagdaang halalan.

Ayon sa pari, ito ay kanyang personal na pahayag at hindi sumasalamin sa katayuan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o sa Social Arm ng Simbahan na CBCP NASSA/Caritas Philippines kung saan siya naglilingkod bilang Executive Secretary.

Read: Proklamasyon ng mga nanalong kandidato sa national level, pinapasuspendi ng CBCP-NASSA

Suspensyon ng proklamasyon hindi panawagan ng CBCP