CulturalLatest News

Panawagan ng CEAP: Letter of support para sa mga frontliners at Covid-19 patients

Inaanyayahan ng Catholic Educational Association of the Philippines-National Capital Region (CEAP-NCR) ang mga mag-aaral na magpaabot ng mga mensahe ng pagsuporta sa mga frontliners sa gitna ng pandemic na Coronavirus Disease 2019.

Ayon kay Fr. Nolan Que, Regional Trustee ng CEAP-NCR at School Director ng Clusters 5 and 6 ng Roman Catholic Archdiocese of Manila Educational System (RCAM-ES) ang hakbang ay hindi lamang pagsuporta kundi magsilbing aral para sa mga kabataan sa pagsasakripisyo ng mga frontliners tulad ng ginawang pagpapakasakit ni Hesus para sa sanlibutan.

Giit ng pari ang malikhaing paraan ng pagpapahayag ng suporta ng mga kabataan para sa mga medical frontliners ay isa ring paraan upang maturuan ang mga kabataan na makatulong sa kapwa sa simpleng paraan ng pagpapahayag ng suporta.

“The letters we asked you to send to the doctors, nurses, and COVID-19 patients is our way for us, the Church, to gather as one body and seek God’s intercession to heal our infected brothers and sisters while strengthening the resolve of our medical personnel to treat them,” ang bahagi ng pahayag ni Fr. Que.

Paliwanag pa ni Fr. Que, isa rin itong paraan upang makapagpaabot ng panalangin sa Panginoon upang gabayan ang mga medical frontliners sa kanilang pagtugon sa pangangailangang medikal ng mga may sakit dulot ng COVID-19.

“When you sent those letters, you were not merely complying to our request. It was your way of taking care of other members of the Church. You felt their pain and suffering but limited by our new reality, you sent the letters hoping these will alleviate their suffering,” dagdag pa ni Fr. Que.

Pagbabahagi pa ni Fr. Que, positibo ang naging tugon ng mga alumni doctors at nurses na nakatanggap ng mga liham ng pagsuporta ng mga mag-aaral para sa lahat ng mga frontliners kabilang na para sa police, janitors, supermarket personnel at local government officials.

Ayon sa Pari, isa rin itong magandang aral para sa mga estudyante na hindi lamang nakatutok sa mga aralin o asignatura sa halip ay nakabatay sa tunay na pagsasabuhay sa mga turo ng Panginoon.

“I sent some of your letters to our alumni doctors and nurses and their responses were heartwarming. I hope you also take time to send your letters to the police, janitors, supermarket personnel, and local government officials who continue to safeguard us,” ayon pa kay Fr. Que.