Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Panalangin ni Cardinal Tagle sa mga inuusig, pagkakaisa at kapayapaan

SHARE THE TRUTH

 375 total views

Hinikayat ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang lahat ng parokya at religious institution ng Archdiocese of Manila at mga layko na mag-alay ng misa at panalangin para sa mga pari at obispo na nahaharap sa pang-uusig dahil sa kanilang pananampalataya at paninindigan.

Ito ang nilalaman ng inilabas na circular letter ni Cardinal Tagle kaugnay na rin sa kasalukuyang nagaganap sa lipunan.

Ayon sa kaniyang kabunyian, ang mga panalanging ito ay bilang pagpapahayag ng suporta at pakiisa sa mga nagdurusa nang dahil sa mga maling paratang.

Kalakip din ng liham ang panalangin para sa Bayan na babasahin simula sa Linggo at darasalin buong buwan ng Agosto kabilang na ang mga misa tuwing Sabado ng gabi.

“Our dear Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle is asking all of us, priests, religious men and women and lay faithful in the Archdiocese of Manila, to offer our Masses and prayer for all our Bishops and Priests, especially those who suffer because of persecution and false accusations. Let our prayers be the best expression of our solidarity and fraternal support for them,” bahagi ng circular letter na nilagdaan ni Fr. Reginald Malicdem, chancellor ng Archdiocese of Manila.

Ang panawagan ay kasabay na rin ng pagdiriwang ng simbahan ng kapistahan ni St. John Marie Vianney ang patron ng mga pari sa ika-4 ng Agosto.

Panawagan para sa kapanatagan ng mga inuusig

Kalakasan at kapanatagan para sa mga lingkod ng simbahan na iniuugnay sa kasong sedisyon.

Ito ang nilalaman ng panalangin ni Cardinal Tagle sa mga obispo, pari at mga layko na nagdurusa dulot ng maling paratang dahil sa kailang paninindigan.

“Itinataas namin sa iyo ang mga obispo, pari, relihiyoso, at layko na nagdurusa dahil sa maling paratang at pag-uusig dahil sa kanilang paninindigan sa pananampalataya at katarungan,” ayon sa panalangin ni Cardinal Tagle.

Ayon kay Cardinal Tagle, bigyan nawa sila ng Panginoon ng kapanatagan na malagpasan ang bawat pagsubok na kinakaharap.

Bahagi rin ng panalangin ng kaniyang Kabunyian ang mga biktima ng pagpaslang at karahasan gayundin sa mga paring nagbuwis ng buhay sa pakikipaglaban para sa katotohanan.

“Tanggapin mo sa iyong hapag sa kalangitan ang mga napaslang sa mga marahas na organisadong pagpatay kasama ang mga paring nagbuwis ng buhay sa pagsusulong sa katotohanan at katarungan.”

Nawa ang bawat isa na nahaharap sa suliranin ay bigyan ng kalakasan para magpatuloy.

Sa kasalukuyan ay nasa ibang bansa si Cardinal Tagle kung saan kabilang sa tinungo nito ang Rohingyan Refugee camp sa Bangladesh bilang bahagi ng kaniyang tungkulin bilang pangulo ng Caritas Internationalis.

Una na ring kinasuhan ng PNP-CIDG ang 35 indibidwal kabilang na ang mga obispo at mga pari ng simbahan sa planong pagpapatalsik sa administrasyong Duterte.

Nagsagawa naman ng misa ang ilang diyosesis kabilang na ang Archdiocese ng Lingayen-Dagupan, Diocese ng Cubao at Balanga Bataan bilang suporta sa mga lingkod ng simbahan na maling pinaratangan.

Nag-ugat ang kaso sa pahayag ni Joemel Peter Advincula Alyas Bikoy na siyang nasa likod ng video na ang Totoong Narcolist na unang iniugnay sa ilegal na droga ang mga malalapit na kaibigan at pamilya ng Pangulong Duterte, bagama’t binawi rin sa halip ay pinangalanan ang mga kritiko ng Pangulo na nasa likod ng ‘destabilization plot’ laban sa punong ehekutibo.

PRAYER

Itinataas namin sa iyo ang mga obispo, pari, relihiyon, at layko
na nagdurusa dahil sa maling paratang at pag-uusig
dahil sa kanilang paninindigan sa pananampalataya at katarungan.
Pagkalooban mo sila ng banal na kagalakan at kapanatagan
na magtatawid sa kanila sa madidilim na gabi at paghihirap.

Tanggapin mo sa iyong hapag sa kalangitan
ang mga napaslang sa mga marahas na organisadong pagpatay
kasama ang mga paring nagbuwis ng buhay
sa pagsusulong sa katotohanan at katarungan.

Kasama si San Pablo aming sinasambit.
“Kabi-kabilaan ang pagpapahirap sa amin, ngunit ‘di kami nalulupig.
Kung minsa’y nababagabag kami, ngunit di nawawalan ng pag-asa.
Inuusig kami ngunit hindi kami pinapabayaan ng Panginoon.
Napapabagsak kami, ngunit di tuluyang napapatay.
Upang sa pamamagitan n gaming katawan
ay mahayag ang kanyang buhay” (2 Corinto 4: 8-10).

Dahil kapiling ka namin, Panginoon,
walang anumang naganap na o darating pa
ang makakaagaw sa aming pag-asa kay Kristo.
Nagtitiwala kami sa iyong walang maliw na pagmamahal.
Ikaw lamang ang makakahilom ng mga sugatang puso.
Ikaw lamang ang makakapagpatahan sa aming pagluha.
Ikaw lamang ang makakapagbigay sa amin ng kapayapaan.
Ikaw lamang ang makakapagpaloob ng lakas upang kami ay magpatuloy.
Palakasin mo ang mga pinapanghinaan ng loob
at bigyan ng katiyakang walang imposible o hindi mapangyayari sa iyo.
Puspos ng Espiritu Santo, lumalim nawa ang aming pag-ibig at malasakit sa bawat isa.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristo aming Panginoon.

Amen.

Maria, Ina ng Pag-asa, ipanalangin mo kami.
San Miguel Arkanghel, ipanalangin mo kami.
San Juan Vianney, ipanalangin mo kami.
San Lorenzo Ruiz, ipanalangin mo kami.
San Pedro Calungsod, ipanalangin mo kami.
Beato Jose Maria de Manila, ipanalangin mo kami.
Beato Justo Tayakama Ukon, ipanalangin mo kami.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Diabolical Proposal

 12,613 total views

 12,613 total views Kapanalig, isa ka ba sa mga sinasabing “over protective, over-imposing parent”? Bilang magulang, ang salita mo ba ay batas na dapat sundin ng iyong mga anak maging ito ay hindi na tama? Well, may nakakatawang solusyon at kasagutan ang Senado sa mga magulang na sobra-sobra at wagas ang higpit.., pakiki-alam sa buhay ng

Read More »

Pagsasayang Ng Pera

 20,349 total views

 20,349 total views Pagwawaldas sa pera ng taong bayan.. dahil sa isang pagkakamali. Kapanalig, 73-milyong balota para sa May 2025 national at local elections ang nasayang…nasayang ang pagod at oras. naimprenta na… mauuwi lamang sa basurahan. Ito ay matapos suspendihin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta ng opisyal na balota para sa May 2025 mid-term

Read More »

Education Crisis

 27,836 total views

 27,836 total views Kapanalig, nasa krisis ang edukasyon sa ating bayan. Napakarami ang mga hamon na kailangang harapin sa sektor. Napakatagal ng isyu ito, ang patuloy na pagpapabaya sa problemang kinakaharap ng sektor ng edukasyon ay lalong nagpapahirap sa mga maralita. Ito ay nagpapakita ng ating pagkukulang sa lipunan. Bilang mga magulang.. pangarap at obligasyon mo

Read More »

Buena-mano ng SSS sa bagong taon

 33,161 total views

 33,161 total views Mga Kapanalig, kasabay ng pagsalubong sa bagong taon ang dagdag sa buwanang kontribusyon sa Social Security System (o SSS). Epektibo ito simula a-uno ng Enero. Alinsunod sa Republic Act No. 11199 o ang inamyendahang Social Security Act na ipinasa noong 2018, tataas ang kontribusyon ng mga miyembro ng SSS kada dalawang taon. Umakyat

Read More »

Pagbabalik ng pork barrel?

 38,969 total views

 38,969 total views Mga Kapanalig, inabangan bago matapos ang 2024 ang pagpirma ni Pangulong Bongbong Marcos Jr sa pambansang badyet para sa 2025.  Matapos daw ang “exhaustive and rigorous”—o kumpleto at masinsin—na pagre-review sa panukalang badyet ng Kongreso, inaprubahan ng presidente ang badyet na nagkakahalaga ng 6.35 trilyong piso, kasabay ng paggunita ng bansa sa Rizal

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

Madreng nagsusulong ng restorative justice sa mga bilanggo, pumanaw na

 1,661 total views

 1,661 total views Pumanaw na si Sr. Zeny Cabrera ng Sisters of the Holy Eucharist makaraang ang ilang araw na pananatili sa pagamutan. Ayon sa kongregasyon, pumanaw ang madre kaninang 5:10 ng madaling araw sa Commonwealth Hospital. Una na ring isinugod sa hospital si Sr. Cabrera noong Sabado ng umaga, makaraang atakihin sa puso na nakaapekto

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Nazareno 2025: Maging inspirasyon sa paglalakbay, pagpapalalim ng pananampalataya

 2,896 total views

 2,896 total views Tinatayang umaabot sa 18,000 deboto ang nakiisa sa pagdiriwang ng pista ng Poong Jesus Nazareno sa Cagayan de Oro City. Ayon kay Fr. Anthony Bagtong, SSJV-vicar ng Archdiocesan Shrine and Parish Jesus Nazareno Cagayan de Oro, ang mga deboto ay hindi mula sa kanilang lalawigan kundi maging sa iba pang mga lalawigan sa

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

From maintenance to a Mission church

 3,370 total views

 3,370 total views Ito ang isa sa pangunahing bunga ng isinagawang Synod on Synodality sa Vatican na nagsimula noong 2021 at nagtapos noong Oktubre 2024. Ayon kay Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), bagama’t karaniwang ipinalilimbag ng Santo Papa sa pamamagitan ng Apostolic Exhortation ang resulta ng

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

“Pray for the sede vacante dioceses,”-Papal Nuncio

 3,936 total views

 3,936 total views Hinikayat ng opisyal ng Vatican ang mga mananampalatayang Filipino ng higit pang pananalangin lalo na sa mga diyosesis na ‘sede vacante’ o walang nangangasiwang obispo. Ayon kay Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown, bagama’t marami na rin ang napunan na diyosesis sa Pilipinas, may anim pang diyosesis ang sede vacante sa

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Bagong Obispo ng Diocese of Cubao, pormal nang itinalaga

 14,663 total views

 14,663 total views Pormal nang itinalaga bilang ikalawang obispo ng Diocese ng Cubao si Bishop Elias Ayuban Jr. sa rito ng pagtatalaga na ginanap sa Mary Immaculate Cathedral sa Cubao, Quezon City. Ang misa ng pagtatalaga ay pinangunahan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula, katuwang sina Apostolic nuncio to the Philippine Charles Brown, kasama ang ilang

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Clergy for Good Governance, ilulunsad sa Immaculate Conception Cathedral

 15,858 total views

 15,858 total views Tatlong daang pari, kabilang ang 12 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa Luzon, Visayas, at Mindanao, ang lumagda bilang mga convenors ng Clergy for Good Governance (CGG), isang samahan na ilulunsad sa darating na Nobyembre 29. Ang Clergy for Good Governance, na may temang “Maka-Diyos, Maka-Filipino”, ay naglalayong isulong ang mga prinsipyo

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Caritas Manila Damayan telethon for typhoon Kristine, isasagawa ng Radio Veritas

 25,880 total views

 25,880 total views Bunsod ng malawak na pinsala na iniwan ng bagyong Kristine, inaanyayahan ang mga Kapanalig ng Radio Veritas at Caritas Manila na makibahagi sa isasagawang telethon sa Lunes, Oktubre 28, 2024. Gaganapin ang Caritas Manila Damayan Typhoon Kristine Telethon sa Kapanalig na himpilan ng Radyo Veritas simula, ika-pito ng umaga hanggang sa ikaanim ng

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Parusa sa mga sangkot sa pekeng war on drugs, hiling ng mga Pari

 24,230 total views

 24,230 total views Pangunahing paksa ng ika-walong pagdinig ng Quad Committee ng Kamara ang isyu ng extra judicial killings (EJK), na iniuugnay sa war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Bago ang pagdinig, isang misa ang idinaos sa House of Representatives People’s Center na pinangunahan nina Fr. Joel Saballa-ng Caritas Novaliches, Fr. Noel

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Sa patuloy na tensyon sa Holy Land; Araw ng pananalangin at pag-aayuno itinakda ni Pope Francis sa October 7

 24,016 total views

 24,016 total views Hinimok ni Pope Francis ang mananampalataya sa buong mundo na makiisa sa isang araw ng panalangin at pag-aayuno sa Oktubre 7 bilang paggunita sa isang taon mula nang umatake ang Hamas sa Israel, kasabay ng tumitinding karahasan sa rehiyon. Ito ang naging panawagan Santo Papa, sa pagtatapos ng kanyang homilya sa misang ginanap

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

‘Papal award’ igagawad kay Ret. CJ Panganiban

 28,252 total views

 28,252 total views Pangungunahan ng Kaniyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang paggawad ng ‘papal award’ kay retired Supreme Court Chief Justice Artemio V. Panganiban. Si Panganiban ay ang kasalukuyang Pangulo ng Manila Metropolitan Cathedral-Basilica Foundation. Ang Pro Ecclesia et Pontifice ay isang mataas na parangal mula sa Santo Papa ng Simbahang Katoliko na ibinibigay

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Interreligious dialogue at harmony, misyon ng Santo Papa

 28,449 total views

 28,449 total views Bukod sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang relihiyon, ang pag-abot at pakikipagtagpo sa mga mananampalataya sa malalayong lugar at ibang pananampalataya ang isa sa mahalagang gawain ng Santo Papa Francisco bilang pinuno ng simbahang katolika. Ito ang binigyan diin ni Apostolic Nuncio to the Philippine Archbishop Charles Brown sa 45th Apostolic Journey ni Pope

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Paglapastangan sa Huling Hapunan sa Paris Olympics: Obispo, hinikayat ng mananampalataya na tumugon ng may pag-ibig

 37,295 total views

 37,295 total views Pinaalalahanan ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mananampalataya na bilang mga anak ng Diyos, ay hindi dapat tanggapin ang mga pananaw ng mga hindi sumasampalataya o umangkop sa pamantayan ng mundo. Ito ang mensahe ng obispo, kaugnay na rin sa ginawang paglalarawan ng Huling Hapunan ng ilang grupo na ginanap sa pagsisimula ng

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

“Marriage is not the problem, it is the hardness of our hearts”

 59,595 total views

 59,595 total views Patuloy na naninindigan ang simbahang Katolika sa pagtataguyod at pagpapatatag ng sakramento ng kasal at pagtutol sa diborsyo. Ayon Fr. Roy Bellen, Vice President for Operations ng Radyo Veritas at kura paroko ng National Shrine of the Sacred Heart, ang pagtutol sa diborsyo ng simbahan ay nakabatay sa kautusan ni Hesus na siyang

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Kura-paroko ng nasunog na 17th century church sa Ilagan-Isabela, nanawagan ng tulong

 57,954 total views

 57,954 total views Nanawagan ng tulong ang parokya ng St. Ferdinand sa Ilagan, Isabela sa mga mananampalataya upang muling maitayo ang nasunog na simbahan. Ayon kay Fr. Zuk Angobung Parish Priest ng St. Ferdinand Parish, kasalukuyang sumasailalim sa pagsasaayos ang simbahan at pawang mga manggagawa lamang ang nasa loob ng parokya. “Nanawagan po kami sa lahat

Read More »
Cultural
Marian Pulgo

Caritas Manila, lubos ang pasasalamat sa mga tumugon sa Alay Kapwa telethon

 64,806 total views

 64,806 total views Nagpapasalamat ang Caritas Manila sa lahat ng patuloy na nakikiisa sa mga programa ng simbahan na ang layunin ay tulungan ang mga higit na nangangailangan. Ito ang mensahe ni Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila sa Caritas Manila Alay Kapwa Telethon na inilalaan ng simbahan sa pagtulong sa mga higit

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top