Cultural

Pamahalaan, pinapakilos ng Simbahan sa laganap na patayan sa Negros Occidental

Hinimok ni Diocese of San Carlos Bishop Gerardo Alminaza ang lahat ng mga mananampalataya sa diyosesis na makibahagi sa panawagan upang mawakasan na ang patuloy na karahasan at serye ng pagpaslang sa lalawigan ng Negros Occidental.

Sa pamamagitan ng isang Pastoral Appeal na may titulong ‘Exhortation to Government to Act on Ending the Killings’ ay inatasan ni Bishop Alminaza ang lahat ng mga parokya, mission stations at religious houses sa diyosesis na magpatunog ng kampana tuwing ganap na alas-otso ng gabi mula sa Linggo ika-28 ng Hulyo hanggang sa tumigil ang karahasan sa lalawigan.

Ayon sa Obispo, layunin ng pagpapatunog ng kampana na maipaabot ang galit at apela ng mga mamamayan na mawakasan na ang hindi makatao at walang kabuluhang pagpaslang sa lalawigan.

Ibinahagi ni Bishop Alminaza na sinisimbolo ng tunog ng kampana ang panalangin at hinaing ng mga mamamayan sa Panginoon na pukawin ang puso ng mga kriminal at maging ng mga otoridad upang bigyan ng katarungan ang mga biktima ng mga pagpaslang.

“In anger and in a call for justice, in a spirit of communion and in a collective prayer, we exhort our parishes, mission stations and religious houses to “ring our church bells” every 8pm starting this July 28, 2019 (Sunday) until the killings stop. Let the tolling of bells remind us that the senseless killings are inhuman. Let the tolling of bells remind us that the senseless killings are inhuman. Let the tolling of the church bells call us to a collective prayer, for us to beg God to touch the hearts of perpetrators, as we call on responsible government agencies to effectively address the series of deaths.” bahagi ng Pastoral Appeal ni Bishop Alminaza.

WE ARE ASKING IN MERCY! PROTECT OUR PEOPLE!

Umapela rin si Bishop Alminaza sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng City of Guihulngan at ng Negros Occidental na magsalita at manindigan para sa buhay ng mamamayan.

Paliwanag ng Obispo hindi dapat na manahimik na lamang ang mga opisyal ng lalawigan sa nagaganap na kawalang katarungan at paglaganap ng karahasan sa Negros Occidental.

“Government leaders of the City of Guilhulngan and of Negros province, please speak up! Let not your silence add to the growing number of killings… Let not your silence embolden more the criminals… Be bold and join us in the cry to end the senseless killings!” Apela ni Bishop Alminaza.

Samantala, hinimok rin ni Bishop Alminaza ang mga alagad ng batas partikular na ang mga pulis at sundalo sa lalawigan na patuloy na protektahan ang buhay ng mamamayan at isulong ang kapayapaan sa halip na takot sa lalawigan.

Giit ng Obispo, ang karahasan ay hindi solusyon upang makamit ang kapayapaan para sa bayan.

“Police and military personnel, our dear state-forces, please act to protect our people. Act to promote peace, not act to instill fear! Maintain peace, do not create violence! Act within the law, not beyond it.” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.

Partikular na tinukoy ni Bishop Alminaza ang pinakahuling serye ng karahasan sa lalawigan kung saan sa loob lamang ng isang araw ay 5-indibidwal ang pinaslang sa iba’t-ibang lugar na palatandaan sa kawalan ng peace and order sa lalawigan.

Bahagi na nasasakupang lugar ng Diocese of San Carlos ay ang una at ikalawang distrito ng Negros Occidental bukod pa sa ilang mga syudad at bayan sa Negros Oriental na kinabibilangan ng syudad ng Canlaon at Guihulngan at bayan ng Vallehermoso at La Libertad.