EnvironmentLatest News

Pagtutulungan, tanging sandata para labanan ang HIV-AIDS

Hinimok ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity ang mga mananampalataya na tulungan ang mga kapatid nating may HIV-AIDS, at ipalaganap ang kaalaman tungkol sa karamdaman upang mapigilan ang paglaganap nito.

 

“Sana tingnan natin under the leadership of Fr. Jun Abogado, paano natin mapapalawak na mas marami tayong mga institusyon na maaabot, lalong lalo na mga schools, mga parishes, at mga business, paano natin mapasukan yung mga call centers, malaking problema natin yan kaya sana magtulungan tayo” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.

 

Sa tala ng Philippine Catholic AIDS Network, taong 2012 umabot na sa 9,936 Pilipino ang may AIDS.

 

Kaugnay dito tuwing unang Linggo ng Disyembre ginugunita ng simbahang katolika ang National AIDS Sunday sa pangunguna ng Phil CHAN.

 

Patuloy ring hinihikayat ni Bishop Pabillo ang mga mananampalataya na makiisa sa adbokasiya ng Phil-CHAN.

 

Sa panlipunang turo ng simbahan ang pagiging tapat sa kabiyak ang isa sa mga paraan upang maiwasan ang pagkakaron ng Acquired Immune Deficiency Syndrome.

Sharing is caring
  •  
  •  
  •  
  •  
  •