Muling nanawagan ang Caritas Philippines sa pamahalaan para sa bakuna kontra COVID-19 sa lahat ng mga Filipono.
Kinundena ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, national director ng CBCP-NASSA/Caritas Philippines ang paglabag ng pamahalaan sa batas hinggil sa pagtanggap ng bakuna na hindi dumaan sa wastong proseso ng pag-apruba.
“It was irresponsible to allow the breach of regulatory process and the government is actually tolerating such imprudent and unauthorized action, even if PSG is saying the vaccines were donated” bahagi ng pahayag ni Bishop Bagaforo.
Binatikos ng mga Filipino ang kontrobersyal na pagpapabakuna kontra corona virus ng mga kasapi ng Presidential Security Group na ibinigay ng Sinopharm ng China.
Aminado si Defense Secretary Delfin Lorenza na ‘smuggled’ ang naturang bakuna sapagkat hindi ito otorisadong gamitin sa bansa dahil sa hindi dumaan sa proseso ng Food and Drug Admnistration.
Hunyo 2020 nang makiisa ang Cartias Philippines sa panawagan ng COVID-19 vaccines para sa lahat ng mga Filipino makaraang hanggang 60 milyong populasyon lamang ang kayang mabigyan ng bakuna sa 73.2 bilyong pisong pondo na inilaan sa pagbili nito.
Kaugnay dito nanawagan naman si Caritas Philippines Executive Secretary Rev. Fr. Antonio Labiao Jr. sa pamahalaan na paigtingin at pabilisin ang pagproseso sa mga bakuna upang mapakinabangan ng mga mamamayan.
“It is important now for the Department of Health and FDA to speed up all regulatory processes so that vaccines will be available to us soonest,” ayon kay Fr. Labiao.
Muling tiniyak ng social arm ng simbahan na kaisa ito sa pamahalaan sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan lalo na ang maralitang sektor na labis naapektuhan ng pandemya.
Mula Marso 2020 mahigit na sa isang bilyong piso ang naipamahagi ng social action network sa buong bansa para sa mga mahihirap na komunidad.
“Our goal has always been to prioritize aid corresponding to the needs of the vulnerable Filipinos. We will continue to be vigilant, especially of government actions, to ensure that the rights, welfare and dignity of the Filipino people prevail over political machinations, vested interests, and greed for power,” ani Bishop Bagaforo.
- Simbahan, nanawagan sa taumbayan na suportahan ang Alay Kapwa program - Saturday, February 27, 2021 10:46 am
- Pamunuan ng Quiapo church, binati ng opisyal ng Vatican - Friday, February 26, 2021 8:49 am
- Isakatuparan ang diwa ng pagkakaisa ng EDSA - Thursday, February 25, 2021 2:05 pm
- Quiapo church media, kabilang sa top influencer media channel - Wednesday, February 24, 2021 12:17 pm
- Cardinal Tagle, itinalagang administrator of the Patrimony of the Apostolic See ni Pope Francis - Tuesday, February 23, 2021 11:19 am
- Papal Nuncio, pinangunahan ang pagtatalaga ng simbahan kay St.John Paul II sa Bataan - Monday, February 22, 2021 12:09 pm
- Paglapastangan sa imahe ng mga banal sa Prelatura ng Isabela de Basilan, kinundena ng Claretian Missionaries - Monday, February 22, 2021 8:51 am
- Archdiocese of Cebu, humiling ng panalangin sa agarang paggaling ni Archbishop Palma sa COVID-19 - Friday, February 19, 2021 11:52 am
- Mananampalataya, inaanyayahan sa Walk for Life 2021 - Thursday, February 18, 2021 2:32 pm
- DAR, itinuturing ang mga magsasaka na makabagong bayani - Thursday, February 18, 2021 1:21 pm