Nilinaw ng Archdiocese of Caceres na walang kinalaman sa pulitika ang ‘Red Wednesday’ event sa buong arkidiyosesis.

Ipinaliwanag ng pamunuan ng arkidiyosesis na ang ‘Red Wednesday’ at ang kulay pula ay hindi sumisimbolo sa kulay ng sinumang kandidato sa halip ay sumisimbolo sa pag-ibig, determinasyon, pagsasakripisyo at pagiging martir para sa pananampalataya sa Panginoon.

Ayon sa official Facebook post Archdiocese of Caceres, sinasalamin rin ang kulay pula sa paninindigan ng Simbahang Katolika sa pagkakaroon ng kalayaan sa pananampalataya .

Pagbabahagi pa ng arkidiyosesis, kasabay ng paggunita ng bansa sa ika-500 anibersaryo ng Kristiyanismo ay mahalagang alalahanin ang lahat ng sakripisyo, pag-ibig at determinasyon ng mga unang Kristiyano sa pagpapalaganap at pagpapalalim ng pananampalataya

“Today is Red Wednesday. Like in past years, the color red means passion, love, martyrdom and sacrifice. It is not for a political party or candidate, but it is a symbol of our firm stand for religious freedom. As we celebrate the 500th year of Christianity in the Philippines, we take cognizance that such 500 years of graces is not without 500 years of sacrifice, martyrdom and love.” pahayag ng Archdiocese of Caceres.

Tema ng ‘Red Wednesday’ ngayong taon ang “Red without fear: The Church journeying as one”.