274 total views
Naninindigan ang isang Obispo na tama ang naging desisyon ng Department of Environment and Natural Resources sa pagpapasara ng 23 minahan sa Pilipinas na lumalabag sa environmental laws.
Ayon kay Manila Auxiliay Bishop Broderick Pabillo – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity, may mga batas na dapat sundin ang mga mining companies at kung hindi nito sinusunod ang batas ay nararapat lamang itong ipasara.
Inihayag ni Bishop Pabillo na ang 23-mining companies ay matagal nang naging iresponsable sa pagmimina kaya naman kailangan na talaga itong ipasara upang mapanumbalik ang kaayusan ng kalikasan.
“Sa akin nararapat lang naman na ipasara itong mga mining companies kasi hindi naman sila tumutupad sa usapan, so ibig sabihin may kontrata sila na dapat sundin, mga patakaran ng pamahalaan [pero] hindi sila tumutupad, kaya dapat naman na talagang sarahan sila, kasi may mga binibigay na mga safeguards ang pamahalaan, ang batas para mapangalagaan ang kalikasan na hindi nila tinutupad kaya dapat ipasara.”pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.
Naunang nagpahayag ng suporta sa desisyon ng DENR si Lipa Archbishop Ramon Arguelles at Caritas Philippines.
Read: http://www.veritas846.ph/pagpapasara-sa-mga-mapinsalang-minahan-pinuri/
http://www.veritas846.ph/arsobispo-nagpaabot-ng-liham-pasasalamat-sa-pangulong-duterte/
Mula sa 41 metallic mines sa buong bansa, 23 ang ipasasara ng DENR dahil sa labis na pagkasirang idinulot nito sa kalikasan.
Sa Ensiklikal na Laudato Si, kinondena ni Pope Francis ang hindi makatarungang operasyon ng pagmimina ng mga multinasyonal na kumpanyang mula sa mga maunlad na bansa o First World Countries sa mahihirap na bansa tulad ng Pilipinas.