May 7, 2020-1:10pm
Isang babala at pagpapakita ng kapangyarihan ang mensahe ng pansamantalang pagpapasara ng ABS-CBN ng pamahalaan.
Ayon kay Manila Apostolic Bishop Broderick Pabillo, ito ay nagbabadya ng pagkontrol ng media.
“Gusto nilang magpadala ng message na ‘kami ay powerful at we can control you kaya mag-ingat kayo sa sasabihin nyo,’ so mawawala na ang ‘freedom of expression’ yung mga tao sana sa ibang mga networks natin ay hindi matakot dahi sa pangyayaring ito,” ayon kay Bishop Pabillo.
Paliwanag ng Obispo, bagama’t ang hakbang ay hindi man patungong batas militar ay nagbibigay naman ito ng babala sa marami sa kapangyarihan laban sa mga kakalaban sa gobyerno.
Una na ring nagpalabas ng opisyal na pahayag ang Radyo Veritas 846 bilang paninindigan sa kahalagayan ng ‘Kalayaan ng Pamamahayag’.
Ayon sa Obispo, hindi ito ang unang pagkakataon na ipinakita ng kasalukuyang administrasyon ang kanilang kakayahan laban sa mga kritiko ng gobyerno.
Kabilang na ang pagpapaalis sa Pilipinas kay Australian Missionary Sr. Patricia Fox, at ang pagpapatalsik sa posisyon kay dating Supreme Court chief Justice Maria Lourdes Sereno.
“Kasi ang nakikita po natin, ginagamit ng gobyerno ang batas laban sa tao. Ang batas ay dapat na nandiyan para ipromote ang kalagayan ng bansa. Ngunit nakita po natin ang batas ay ginagamit laban sa kanilang kalaban,” ayon sa obispo.
Naniniwala din ang Obispo na sinadyang hindi palawigin ang prangkisa ng kompanya.
“At itong prangkisang ito ay matagal nang nakalaan and the congress is seating on it,” ayon kay Bishop Pabillo.
Una rin inihayag ng Pangulong Rodrigo Duterte ang kaniyang personal na galit sa himpilan noong nakalipas na halalang pampanguluhan.
- Baptismal cathechism, bibigyang tuon ng Archdiocese of Manila - Monday, February 22, 2021 1:09 pm
- ‘Miyerkules ng Abo’, tanda ng pagpapakumbaba at pagtalikod sa kasalanan - Wednesday, February 17, 2021 2:36 pm
- ‘Virtual Wedding’, magpapahina ng kasagraduhan ng kasal - Saturday, February 13, 2021 1:16 pm
- Pananampalataya, ‘essential’ sa paggaling ng may karamdaman - Thursday, February 11, 2021 11:28 am
- Pagpapabakuna laban sa Covid-19, kailangan nang matapos ang ‘community quarantines’ - Friday, February 5, 2021 1:31 pm
- Pagdiriwang ng ‘Grandparents Day’, itinakda ng Santo Papa - Monday, February 1, 2021 8:38 am
- Lifelong commitment at hindi gastusin ang dahilan ng mababang nagpapakasal sa simbahan - Wednesday, January 27, 2021 12:12 pm
- Mamamayan, inaanyayahan sa online bible festival - Friday, January 22, 2021 2:23 pm
- Taumbayan, tutol sa pagtalakay ng Kongreso sa Cha-Cha - Tuesday, January 19, 2021 2:19 pm
- Term extension, motibo ng Cha-Cha - Tuesday, January 19, 2021 1:21 pm