Suportado ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao ang desisyon ng pamahalaang panlalawigan ng Nueva Vizcaya na ipatigil ang Didipio Gold-Copper Mining project.
Ayon kay Bishop Mangalinao, vice-chairman ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-Permanent Committee on Public Affairs, nararapat ang desisyon ni Nueva Vizcaya Governor Carlos Padilla na huwag nang pahintulutang magsagawa ng pagmimina ang OceanaGold Philippines Inc.
“Ako ay sinususugan ko ‘yung desisyon ng Gobernador [at] ng kanyang mga kasama sa Sangguniang Panlalawigan, sapagkat nakikita naman talaga na wala talaga silang permiso na para mag-operate,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Mangalinao sa panayam ng Radio Veritas.
Paliwanag ng Obispo na sa 25-taong pagmimina sa Didipio, Nueva Vizcaya ay nagdulot ito ng pagkasira ng kapaligiran lalu na sa mga bukid, watershed at kabundukan.
Hiling din ng mga katutubong naninirahan sa lugar na nawa’y ihinto na ang pagmimina dahil sa pinsala sa kalikasan at sa kanilang kabuhayan.
Ayon pa kay Bishop Mangalinao, pinangangambahan rin ni Governor Padilla ang pagkakaroon ng mga sink hole at makaapekto sa mga residente dahil umabot na sa pinakailalim ng lupa ang paghuhukay ng minahan.
“Sabi ng Governor, papaano kung magkaroon ng mga sink holes? Sabi rin ni Governor, hanggang saan na kaya ‘yung nabutas nila? Paano natin makikita kung sumusunod sila sa patakaran na hanggang doon lang?,” ayon sa Obispo.
Panawagan naman ng opisyal ng CBCP sa mga kinauukulang nangangalaga sa kalikasan na nawa’y pakinggan ang ipinaglalaban ng simbahan, lokal na pamahalaan at mamamayan hinggil sa buhay ng kalikasan at ng sambayanan, hindi ang pansariling interes lamang.
Ayon kay Bishop Mangalinao, “Wala po kaming interes na anuman na kukunin o tatanggapin kaninuman. Maliban sa mabuhay ng mapayapa, kinikilala ang kagandahan ng kalikasan at ang hangganan ng karapatan ng tao na magdesisyon para sa lahat at papaboran lamang ang iilan.”
Hiling pa nito na sana’y itaas at paigtingin ng mga makapangyarihan ang pangangalaga at pagmamahal at pagtingin sa kapwa Pilipino sa halip na interes ng mga dayuhan.
- Pangangalaga sa may sakit, paanyaya nang paglapit sa Panginoon - Thursday, February 25, 2021 12:46 pm
- Pagmimina at illegal logging, sanhi ng ‘abnormal’ na pagbaha sa Surigao del Sur - Wednesday, February 24, 2021 12:45 pm
- Caritas Philippines, tiniyak ang tulong sa nasalanta ng bagyong Auring - Tuesday, February 23, 2021 1:25 pm
- Pangalagaan ang kalikasan upang hindi magdudulot ng kalamidad-Cardinal Tagle - Monday, February 22, 2021 5:12 pm
- 1-milyong piso Taal volcano emergency response, inilaan ng Archdiocese of Lipa - Thursday, February 18, 2021 11:19 am
- Archdiocese of Lipa, nakaalerto sa nararanasang pagyanig dulot ng bulkang Taal - Tuesday, February 16, 2021 1:07 pm
- Pagpapahalaga sa buhay, pagpapakita ng tunay na pag-ibig. - Sunday, February 14, 2021 4:30 pm
- ‘Online recollections for the sick’, isasagawa sa buong buwan ng Pebrero - Thursday, February 11, 2021 2:10 pm
- World Day of the Sick: Kaligtasan at paghihilom mula sa Covid-19 - Thursday, February 11, 2021 2:04 pm
- Fr. Toledo, OFM: Masigasig na tagapagtanggol ng Kalikasan-GCCM-Pilipinas - Tuesday, February 9, 2021 10:30 am