August 30, 2020
Inaanyayahan ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, ang mga mananampalataya na makibahagi sa gagawing Banal na Misa bilang paggunita sa araw ng mga bayani sa ika-31 ng Agosto.
Gagawin ang banal na misa sa Parokya ng San Felipe Neri sa lungsod ng Mandaluyong, ganap na alas 12:15 ng tanghali na mapapakinggan din ng live sa himpilan ng Radyo Veritas.
Ayon kay Bishop Pabillo, ang isasagawang misa ay handog ng Arkidiyosesis para sa mga frontliners na maituturing na makabagong bayani na nagbubuwis ng buhay upang makapaglingkod sa mamamayan at sa bayan sa gitna ng COVID-19 Pandemic.
“Bukas ay National Heroes day, magkakaroon po tayo ng misa sa San Felipe Neri ng 12:15 (ng tanghali). Ito po’y ipagdiriwang natin ang mga modern-day heroes natin ngayon. Ipagdadasal natin ang mga frontliners natin, kaya inaanyayahan ko kayo na makiisa sa Misang ito para po sa kasalukuyang bayani natin”, paanyaya ni Bishop Pabillo sa Healing Mass sa Veritas.
Inaanyayahan din ng Obispo ang lahat para sa gagawing Banal na Misa para sa pagbubukas ng Season of Creation sa unang araw ng Setyembre.
Ito’y gaganapin sa Minor Basilica of the Immaculate Concepcion Cathedral o Manila Cathedral sa ganap na alas-12:15 ng tanghali na pangungunahan rin ni Bishop Pabillo.
Ipinagdiriwang ang Season of Creation mula unang araw ng Setyembre hanggang ika-4 ng Oktubre, kasabay ng kapistahan ni San Francisco ng Assisi, ngunit pinalawig ito hanggang ika-11 ng Oktubre upang ipagdiwang ang Indigenous Peoples’ Sunday.
Ngayong taong 2020 ang ika-walong taon ng pagdiriwang ng Season of Creation sa Pilipinas, kasabay naman nito ang ika-limang taon ng World Day of Prayer for Care of Creation na idineklara ng Kanyang Kabanalan Francisco tuwing unang araw ng Setyembre.
- Pagsasawalang bisa ng UP-DND accord, kinondena ng environment group - Saturday, January 23, 2021 1:55 pm
- Diocese of Marbel at Tandag, ligtas sa 7.1 magnitude na lindol - Friday, January 22, 2021 12:20 pm
- Deboto ni Sr.Sto.Nino, hinamong tuldukan ang karahasan sa mga bata - Sunday, January 17, 2021 11:00 am
- CBCP, hinihikayat ang mga Filipino na magpabakuna ng COVID 19 vaccine - Saturday, January 16, 2021 1:49 pm
- Maging handa, alerto sa sakuna-Solidum - Thursday, January 14, 2021 2:23 pm
- Panalangin para sa katatagan at kaligtasan dulot ng pag-ulan, hiling ng obispo ng Borongan - Wednesday, January 13, 2021 2:02 pm
- Pagsasariwa sa ‘bayanihan’ ng mga Filipino, ginunita sa anibersaryo ng pagsabog ng Taal - Wednesday, January 13, 2021 12:40 pm
- San Juan Nepomuceno parish, magdiriwang ng ika-160 Canonical possession - Monday, January 11, 2021 4:05 pm
- Poong Nazareno, bumisita sa Parokya ng Sto. Niño de Taguig - Thursday, January 7, 2021 10:38 am
- Hindi tumatalikod ang Diyos, higit sa panahon ng pagsubok - Thursday, January 7, 2021 9:41 am