politics

Pagtulong, hindi pamumulitika – PPCRV Chair. Henrietta de Villa

Amb. de VIllaTaos-pusong pagtulong sa mga biktima ng magkasunod na bagyo sa bansa at hindi pamumulitika ang panawagan ni Parish Pastoral Council for Responsible Voting Chairperson Henrietta De Villa sa mga kandidato.

Paliwanag ni De Villa, hindi nararapat gamitin ng mga kandidato ang pagkakataon na makapagpakilala at pangampanya sa mga nasalanta sa halip ay tumulong ng taos puso at tunay para sa mga nangangailangan.

“Para huwag masabi na ginagawa lang nila ito bilang pagkakampanya, magbigay sila wala nalang pangalan, huwag nalang lagyan yung mga relief goods ng mga ‘donated by so and so and so’ huwag nalang para maging talagang mula sa kanilang puso na walang ibang layunin kundi ang pagtulong sa tao in celebration of the Year of Mercy yung awa nanggagaling sa puso at hindi pangangampanya at ito ay isang pamamaran pag ginawa nila ito na walang announcement, walang mga pangalan, walang mga pasabi-sabi na ito ay galing kay candidate so and so, ito ay ika nga magbibigay din ng bagong dangal sa kanila..” ang bahagi ng pahayag ni PPCRV Chairperson Henrietta De Villa sa panayam sa Radio Veritas.

Kaugnay nito nito dagdag pa ni De Villa, ang habag o awa para sa kapwa ay dapat na taos pusong ibinabahagi at hindi naghihintay ng kapalit tulad ng boto sa nalalapit ng eleksyon.

Batay sa pinakahuling tala ng Department of Social Welfare and Development, tinatayang aabot na sa 1.9 na milyong indibilwal ang apektado ng magkasunod na bagyong Nona at Onyok na nanalasa sa bansa nitong nakaraang linggo.

Samantala, una nang inihayag ni Rev. Fr. Anton CT Pascual – Pangulo ng Radyo Veritas at Executive Director ng Caritas Manila ang paglalaan ng 1.9-Million pesos para sa mga nasalanta ng bagyo partikular na sa mga diyosesis ng Masbate, Sorsogon, Romblon, Catarman at Calapan, Oriental Mindoro.endtag

 

Sharing is caring
  •  
  •  
  •  
  •  
  •