Ikinatuwa ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pagkakatalaga ni Pope Francis kay Capiz Archbishop Jose Advincula bilang bagong Cardinal ng Simbahang Katolika sa Pilipinas.
Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos-Vice-Chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People, ito’y isang napakagandang biyaya sa ating bansa.
Sinabi ng obispo na ang pagkakatalaga kay Archbishop Advincula ay nagpapahiwatig ng pag-asa, kasiyahan at kapanatagan sa bawat puso ng mananampalatayang Pilipino sa kabila ng krisis na dulot ng pandemya.
“It is abundant blessing to our country, indeed immense grace to our church. We now have a Cardinal from Visayan region, a worthy gift to the universal church. Amidst this COVID-19 Pandemic, the appointment of Archbishop Jose Advincula is our sign of hope, source of joy and moment of comfort,” ang pahayag ni Bishop Santos sa panayam ng Radyo Veritas.
Tiniyak naman ng obispo ang pag-aalay ng panalangin at pakikipagtulungan kay Archbishop Advincula bilang bagong Cardinal ng bansa.
“We are grateful to our Holy Father and we accompany Jose Cardinal Advincula with our prayers and collaboration,” ayon sa obispo.
Si Cardinal-elect Advincula ang pang-siyam na Cardinal ng bansa at ika-apat sa mga buhay pang Cardinal kabilang sina Cardinal Orlando Quevedo, Gaudencio Rosales at Luis Antonio Tagle-ang kasalukuyang Prefect of the Congregation for Evangelization of People’s na nakabase sa Roma.
Ang 68-taong gulang na si Cardinal-elect Advincula at Cardinal Tagle ang dalawang tanging Cardinal ng Pilipinas na maaaring maging bahagi ng ‘conclave’ o paghahalal ng bagong Santo Papa sakaling magkaroon ng sede vacante.
- Cardinal Tagle, nanawagan ng ecological conversion at ecological justice - Thursday, March 4, 2021 9:57 am
- Pamahalaan, hinimok na ipatupad ang malawakang information drive sa COVID 19 vaccination - Wednesday, March 3, 2021 1:28 pm
- CBCP Health Care sa mga pulitiko, isantabi ang pamumulitika sa pagbabakuna ng COVID-19 vaccine - Tuesday, March 2, 2021 10:29 am
- PGH Chaplain, duda sa COVID 19 vaccine ng Sinovac - Monday, March 1, 2021 12:07 pm
- Diocese of Tandag, nagbabala sa kumakalat na text scam - Sunday, February 28, 2021 11:56 am
- COVID 19 vaccine webinar, pangungunahan ng CBCP - Saturday, February 27, 2021 2:47 pm
- Pamahalaan, hinamong paigtingin ang programang lulutas sa nararanasang kagutuman sa bansa - Saturday, February 27, 2021 9:03 am
- Pangangalaga sa may sakit, paanyaya nang paglapit sa Panginoon - Thursday, February 25, 2021 12:46 pm
- Pagmimina at illegal logging, sanhi ng ‘abnormal’ na pagbaha sa Surigao del Sur - Wednesday, February 24, 2021 12:45 pm
- Caritas Philippines, tiniyak ang tulong sa nasalanta ng bagyong Auring - Tuesday, February 23, 2021 1:25 pm