Cultural

Paggamit ng dahas ng PNP sa Traslacion 2020, kinundena ng CHR

Kinondena ng Commission on Human Rights ang labis na paggamit ng puwersa ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa katatapos lamang na Traslacion ng Mahal na Poong Hesus Nazareno.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, maituturing na kalabisan ang paggamit ng dahas ng mga kawani ng PNP laban sa mga deboto.

Partikular ding tinukoy ni Atty. De Guia ang paglabag sa kalayaan ng pamamahayag o Freedom of the Press na ginawa ng opisyal ng PNP laban sa mamamahayag ng isang television network.

“The Commission on Human Rights strongly condemns the unnecessary force exhibited by the Philippine National Police (PNP) during Traslacion on Thursday, January 9. The incidents in question are that of a police officer strangling a devotee of the Black Nazarene, and the subsequent treatment of GMA reporter Jun Veneracion. The use of excessive force was unnecessary, and the latter can be considered suppression of the freedom of the press.” pahayag ni de Guia.

Ipinaliwanag ni Atty. De Guia na itinalaga ang mga pulis sa Traslacion na isang gawaing pang-Simbahan na dinadaluhan ng publiko upang protektahan at tiyakin ang kaligtasan ng mga mananampalataya at mga deboto.

Bukod dito, binigyang diin rin ni Atty. De Guia ang mahalagang responsibilidad ng media upang i-ulat ang katotohanan at tunay na nagaganap sa lipunan.

“Traslacion is a public event, where police are assigned to protect the people and to deescalate situations that could lead to violence; over a million Filipinos join this monumental event with the expectation that they were taken care of. The Filipino people deserve to be made aware of incidents that prove otherwise. The media has a responsibility to inform the public. Active threats and suppression of the press are not actions indicative of a healthy police force, and this type of behavior must be nipped at the bud.”pahayag ni de Guia.

Matatandaang sa pagninilay ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ay kanyang hinimok ang mga deboto ng Mahal na Poong Hesus Nazareno na amitin ang bawat kaloob ng Diyos sa tunay na misyon ni Kristo.

Paliwanag ng Cardinal, ilan sa mga kaloob na ito ay ang kaloob ng paghahayag na nararapat na gamitin sa pagpapahayag ng katotohanan at hindi kabalintunaan.

Batay sa tala nasa 14,000 ang bilang ng mga kawani ng PNP, Armed Forces of the Philippnes at Bureau of Fire Protection ang itinalaga sa mga rutang daraanan ng andas ng Mahal na Poong Hesus Nazareno mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church.