August 20, 2020-11:20am
Nasasaad sa apostolic exhortation ni Pope John Paull II na Familiaris Consortio-bahagi ng pastoral na gawain ng Simbahan at ng mga Kristiyano na alamin, kilalanin, at pagyamanin ang gamapanin ng mga nakatatanda sa lipunan na mayroon ng mahaba at malalim na karanasan sa buhay.
Pinuri ng Commission on Human Rights ang inilabas na memorandum circular ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na gumagalang sa karapatan ng mga matatanda na makalabas ng bahay sa kabila ng mga ipinatutupad na iba’t ibang antas ng community quarantine sa bansa bilang pag-iingat mula sa pandemic novel coronavirus.
Ayon kay CHR Focal Commissioner on the Human Rights of Older Persons Karen S. Gomez Dumpit, naangkop lamang ang hakbang ng DILG na payagang maging ang matatanda na makalabas ng tahanan sa kabila ng pagiging vulnerable sa COVID-19.
“In behalf of older persons, we commend the Department of the Interior and Local Government (DILG) in adopting a rights-based and non-discriminatory policy that respects the freedom of movement of older persons in areas under community quarantine and, at the same time, installs protective measures for older persons,” ang bahagi ng pahayag ni Dumpit.
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 2020-110 ng IATF-EID Guidelines ang mandato sa mga lokal na pamahalaan at mga kawani ng Philippine National Police na pagpapahintulot sa mga matatanda sa mga lugar kung saan umiiral ang iba’t ibang antas ng community quarantine na makalabas sa komunidad upang makabili ng pagkain at mga pangunahing pangangailangan, gayundin ang makapagtrabaho.
Sa kabila nito, binigyang diin ni Dumpit ang kahalagahan ng mahigpit na pagsunod sa mga safety health protocols na patuloy na ipinatutupad ng pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa mula sa nakahahawang COVID-19.
- Diocese of Malaybalay, kinundena ang pagpatay sa isang Pari ng diyosesis - Monday, January 25, 2021 2:03 pm
- New voters, hinimok ng PPCRV na magparehistro na - Monday, January 25, 2021 9:55 am
- CHA-CHA, hindi magdudulot ng pagbabago sa bansa - Sunday, January 24, 2021 2:58 pm
- Militarisasyon sa mga unibersidad sa bansa, kinundena ng AMRSP - Friday, January 22, 2021 2:52 pm
- Malakas na lindol sa Mindanao, muling nagdulot ng pangamba sa mga taga-South Cotabato - Friday, January 22, 2021 11:37 am
- Pagbabakuna ng COVID-19, isang moral obligation - Monday, January 18, 2021 4:27 pm
- Christian unity, misyon ng isasagawang “Ecumenical Bible festival”. - Sunday, January 17, 2021 10:41 am
- Karahasan laban sa mga katutubo sa Panay island, kinondena ng Visayan Bishops - Saturday, January 16, 2021 3:36 pm
- Obispo, duda sa isinusulong na CHA-CHA - Friday, January 15, 2021 2:03 pm
- Pallium mula sa Santo Papa, tinanggap ni Archbishop Baccay - Friday, January 15, 2021 10:43 am