Nagpaabot ng panalangin ang Archdiocese of Manila sa mga biktima ng bagyong Ulysses na nanalasa sa Metro Manila at ilang mga lalawigan sa Luzon na nagdulot ng malawakang pagbaha.
Ayon kay Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo, higit kailanman ay kinakailangan sa ngayon na ipalaganap ang pagkakaisa at pagtutulungan sa kabila ng magkakasunod na kalamidad at ang patuloy na banta ng pandemya.
Hinimok ni Bishop Pabillo ang bawat isa na patuloy na manalangin at tulungan ang mga naapektuhan ng bagyo.
Hinikayat din ng Obispo ang lahat na patuloy na magpaabot ng tulong sa mga higit na nangangailangan lalung-lalo na sa mga residenteng matinding tinamaan ng bagyo.
“Magtulungan tayo sa ganitong panahon. Patuloy tayo na magdadasal at pagkatapos ng bagyo, kung anumang masi-share natin, ishare natin sa iba lalung-lalo na sa mga napinsala ng bagyong ito. Magkaisa po tayo!” ang mensahe ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radyo Veritas.
Dalangin din ni Bishop Pabillo, ang patuloy na patnubay ng Panginoon sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.
Prayer
Bishop Broderick Pabillo
“O Diyos Amang mapagmahal, kami po’y humihingi ng tulong Sa’yo ngayong dumadating na naman at nandito na ang bagyong Ulysses at marami pong mga kababayan namin lalung-lalo na sa Bicol ay tinatamaan ngayon. Napapanganib din kami dito sa Southern Tagalog, at ganun din sa Maynila na tamaan ng bagyo. Kami po’y humihingi ng tulong. Gabayan N’yo po, iligtas kaming lahat at kung maaari po ay palampasin Mo ang bagyo, pahinain, palihisin sa amin at konti sana ang mga mapipinsala sa mga istruktura, sa mga tanim at lalung-lalo na sa mga buhay ng mga tao. Palakasin Mo po ang aming pananalig at naniniwala po kami sa Iyong pag-ibig sa amin. Kaya’t tulungan N’yo po kami sa ganitong pangyayari.
Ito pong lahat ay hinihingi namin sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.
- Baptismal cathechism, bibigyang tuon ng Archdiocese of Manila - Monday, February 22, 2021 1:09 pm
- ‘Miyerkules ng Abo’, tanda ng pagpapakumbaba at pagtalikod sa kasalanan - Wednesday, February 17, 2021 2:36 pm
- ‘Virtual Wedding’, magpapahina ng kasagraduhan ng kasal - Saturday, February 13, 2021 1:16 pm
- Pananampalataya, ‘essential’ sa paggaling ng may karamdaman - Thursday, February 11, 2021 11:28 am
- Pagpapabakuna laban sa Covid-19, kailangan nang matapos ang ‘community quarantines’ - Friday, February 5, 2021 1:31 pm
- Pagdiriwang ng ‘Grandparents Day’, itinakda ng Santo Papa - Monday, February 1, 2021 8:38 am
- Lifelong commitment at hindi gastusin ang dahilan ng mababang nagpapakasal sa simbahan - Wednesday, January 27, 2021 12:12 pm
- Mamamayan, inaanyayahan sa online bible festival - Friday, January 22, 2021 2:23 pm
- Taumbayan, tutol sa pagtalakay ng Kongreso sa Cha-Cha - Tuesday, January 19, 2021 2:19 pm
- Term extension, motibo ng Cha-Cha - Tuesday, January 19, 2021 1:21 pm