Dulot na rin ng patuloy na banta ng novel coronavirus at mga limitasyon dulot na ring mga umiiral na community quarantine, hinikayat ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ang mananampalataya na gamitin ang makabagong teknolohiya para sa pagtitipon kasama ang pamilya sa paggunita ng All Saints at All Souls Day.
Ito ay sa pamamagitan ng pagsasagawa ng family reunions at prayer meeting sa pamamagitan ng on-line o zoom meetings.
“Ang Undas para sa atin panahon ng family reunion, nagsasama-sama ang mga family…Ba’t hindi tayo mag-zoom meeting as family and prayer meetings,” ayon kay Bishop Pabillo.
Ito ang mungkahi ni Bishop Pabillo lalu’t tradisyon ng mga Filipino ang pagtitipon ng pamilya tuwing Undas o Todos Los Santos habang pansamantala namang isinarado ang mga sementeryo sa bansa bilang bahagi ng pag-iingat sa patuloy pang pagkalat ng novel coronavirus.
Pinaalalahanan din ni Bishop Pabillo ang mga mananampalataya na ngayon pa lamang ay dumalaw na sa mga puntod ng kanilang mga namayapa.
“Ngayon maaga pa, dumalaw na (sementeryo). Ngayon pede na sila dumalaw at ganun din after November 4 at sa buong buwan ng Nobyembre. Magkaisa lang ang pamilya sa kanilang pagsama-sama roon,” ayon kay Bishop Pabillo.
Tagubilin pa ng obispo ang ibayong pag-iingat sa pamamagitan ng pagsusuot ng facemask, faceshield at pag-distansya sa maraming mga tao upang makaiwas mula sa nakakahawang Covid-19.
Hiling din ni bishop pabillo sa publiko na hindi lamang basta dumalaw sa mga puntod kundi ang mahalaga ay ang pagdarasal para sa mga kaluluwa.
Dagdag pa ng obispo ang pagsisimba at ang pag-aalay ng misa sa mga namayapa gayundin ang pananalangin kasama ang pamilya na maaring isagawa sa kanilang mga tahanan.
“Mas maganda ay isimba natin, wag lang magbigay ng pangalan para sa yumao,” dagdag pa ni Bishop Pabillo.
Una na ring nagpalabas ng panuntunan ang Archdiocese ng Manila na may temang One with Our Beloved Dead sa nalalapit na paggunita ng All Saints at All Souls Day.
- Fr. Bernas SJ, pumanaw na - Saturday, March 6, 2021 7:57 am
- Baptismal cathechism, bibigyang tuon ng Archdiocese of Manila - Monday, February 22, 2021 1:09 pm
- ‘Miyerkules ng Abo’, tanda ng pagpapakumbaba at pagtalikod sa kasalanan - Wednesday, February 17, 2021 2:36 pm
- ‘Virtual Wedding’, magpapahina ng kasagraduhan ng kasal - Saturday, February 13, 2021 1:16 pm
- Pananampalataya, ‘essential’ sa paggaling ng may karamdaman - Thursday, February 11, 2021 11:28 am
- Pagpapabakuna laban sa Covid-19, kailangan nang matapos ang ‘community quarantines’ - Friday, February 5, 2021 1:31 pm
- Pagdiriwang ng ‘Grandparents Day’, itinakda ng Santo Papa - Monday, February 1, 2021 8:38 am
- Lifelong commitment at hindi gastusin ang dahilan ng mababang nagpapakasal sa simbahan - Wednesday, January 27, 2021 12:12 pm
- Mamamayan, inaanyayahan sa online bible festival - Friday, January 22, 2021 2:23 pm
- Taumbayan, tutol sa pagtalakay ng Kongreso sa Cha-Cha - Tuesday, January 19, 2021 2:19 pm