181 total views
Idineklara na ang state of calamity sa Surigao City matapos makaranas ng magnitude 6.7 na lindol kagabi.
Batay sa ulat maraming mga gusali at establisyemento ang naapektuhan ng lindol habang ilang mga kalsada at tulay ang hindi pa din madaan.
Patuloy ang isinasagawang clearing at rescue operation ng lokal na pamahalaan bagamat hindi pa rin nanunumbalik ang supply ng kuryente at tubig sa maramig lugar.
Kasalukuyan na rin kumikilos ang Social Action Center ng Diocese of Surigao upang makapagsagawa ng Post Disaster Assessment bagamat hirap itong kumilos dahil apektado rin maging ang mga kinatawan nito.
Samantala, naka antabay na ang iba’t-ibang organisasyon ng Simbahan sa ano mang pangangailangan ng diyosesis sa oras na nakapangalap na ito ng impormasyon.
Ayon kay Caritas Manila Damayan Program Priest In Charge Rev. Fr. Ricardo Valencia, naka-monitor sila
sa mga kaganapan sa Surigao at nauunawaan nito ang hirap at takot na nararanasan ngayon ng mga residente maging mga kinatawan ng Simbahan sa lugar.
Batay sa datos ng Provincial Government ng Surigao City, 6 na ang naitalang nasawi sa naganap na lindol habang mahigit 100 tao ang nasugatan.
Kaugnay nito, nagpaabot ng panalangin si Diocese of Surigao Bishop Antonito Cabahog sa mamamayan ng lalawigan.
“Father all powerful and most loving, You have spared your faithful in the Diocese of Surigao from greater harm amidst the strong earthquake.
We thank you for sparing so many from death and destruction.
Shaken but more dependent on your Love and Providence, we move on in the journey as a people of communion in our Basic Ecclesial Communities.
We implore the help of Our Lady of Lourdes, to whom we turn our gaze, to stay with us and lead us safely to the peace of Jesus, her Son. Amen.”
Prayer from Diocese of Surigao Bishop Antonieto Cabajog