Cultural

Obispo ng Borongan, pinayagan ang mga Pari na i-absolve ang grave sin of abortion

Ipinagkaloob ni Diocese of Borongan Bishop Crispin Varquez sa lahat ng mga aktibong pari ng diyosesis ang “Faculty to Absolve the Grave Sin of Abortion”.

Iginawad ng Obispo ang kapangyarian na makapagpatawad mula sa naturang mortal na kasalanan noong ika-21 ng Marso at magtatagal hanggang sa Easter Sunday o Linggo ng Muling Pagkabuhay.

Gayunpaman, nilinaw ni Diocese of Borongan Chancellor Rev. Fr. Neil Tenefrancia na hindi kabilang sa mga ginawaran ng “Faculty to Absolve the Grave Sin of Abortion” ang mga bagong ordinang pari ng diyosesis.

Bulletin No. 2
21 March 2019
Dear Rev Monsignori & Rev Fathers: Please be informed that the Bishop has granted to all priests active in the diocese the “Faculty to Absolve the Grave Sin of Abortion” starting today until Easter Sunday this year. (Excluded from the said grant of faculty are the newly-ordained priests: Revs Miel Sedfrey, John Glenn, & Jason.)
Fraternally yours,
Fr Neil Tenefrancia
Chancellor

Batay sa tala may 72-aktibong pari sa Diocese of Borongan na nangangasiwa sa may 32 parokya sa diyosesis na may mahigit sa 500-libong mga Katolikong mananampalataya.

Sa tala naman ng University of the Philippines Population Institute noong 2010, tinatayang umabot sa 560-libo ang kaso ng Aborsyon sa bansa kung saan mga kababaihan mula sa 15-taong gulang hanggang 44-na taong gulang ang nagsasagawa nito.

Nagsimula ang panahon ng kuwaresma noong Miyerkules ng Abo na hudyat ng 40 araw na paggunita ng pagpapakasakit, pagpapapako sa Krus, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus sa Krus upang tubusin ang sanlibutan mula sa kasalanan.